JC de Vera: natupad na ang wish ko na makasama si Nora Aunor! | Bandera

JC de Vera: natupad na ang wish ko na makasama si Nora Aunor!

Jobert Sucaldito |June 26,2015
facebook
share this

JC de Vera: natupad na ang wish ko na makasama si Nora Aunor!

Jobert Sucaldito - June 26, 2015 - 03:00 AM

NORA AUNOR AT JC DE VERA

NORA AUNOR AT JC DE VERA

Isa na namang kaabang-abang na pelikula ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor ang inaantabayanan ngayon ng mga Noranians.

Sigurado kaming pang-award na naman ang bagong proyekto na ito ni Mama Guy. Ang tinutukoy namin ay ang “Kabisera” na inisnab ng 2015 Metro Manila Film Festival screening committee. Hindi kasi ito nakapasok sa magic 8 na taunang filmfest sa darating na December.

Anyway, kahit na hindi ito napili sa 2015 MMFF, siguradong hahakot na naman ito ng tropeo sa iba’t ibang award giving bodies.

Nakakatuwa ang isa sa mga kasamahan ni Mama Guy sa movie na si JC de Vera dahil proud na proud itong nag-post ng isang picture sa kanyang Instagram account na kuha sa isang eksena nila ng Superstar.

Nilagyan ng aktor ang larawan ng caption na: “Napakagandang experience natupad din ang wish ko! napakagandang blessing!”

Kung sabagay, wala na naman kailangan pang patunayan ang nag-iisang Superstar pagdating sa awards, at ilang beses na rin naman siyang nakasali sa MMFF, di ba?

Pero marami nga ang nanghihinayang sa hindi pagkasali ng “Kabisera” sa MMFF, mas magiging maganda sana ang labanan kung may entry ang ating Superstar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending