Sigaw ni Angelica sa mga tsismosa: Kami pa rin ni John Lloyd! | Bandera

Sigaw ni Angelica sa mga tsismosa: Kami pa rin ni John Lloyd!

Ervin Santiago |June 17,2015
facebook
share this

Sigaw ni Angelica sa mga tsismosa: Kami pa rin ni John Lloyd!

Ervin Santiago - June 17, 2015 - 12:55 PM

john lloyd cruz

SA unang pagkakataon ay chumika si Angelica Panganiban sa ilang miyembro ng entertainment press tungkol sa balitang hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz.

Nakorner ng media si Angelica pagkatapos ng 38th Gawad Urian awards night kagabi na ginanap sa Studio 10 ng ABS-CBN kung saan nagsilbi siyang host ng event, at mariin nga niyang pinabulaanan na break na sila ng kanyang boyfriend na si Lloydie. Sey ni Angelica puro kasinungalingan daw ang kumalat na balita na iniwan na siya ni John Lloyd, hanggang ngayon ay ang aktor pa rin ang kanyang karelasyon. “Hindi (totoo), parang tanga lang ang gumagawa ng gano’n,” chika ni Angel kasabay ng pagsasabing, ni hindi nga raw nila napag-uusapan ni JLC ang tungkol sa nasabing issue. Sabi pa ng gumaganap na nanay ni Daniel Padilla sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo, kailangan na nga raw niyang umalis dahil uuwi na si John Lloyd sa Pilipinas that night galing sa Spain. Hindi na nakapagbigay ng iba pang detalye si Angelica tungkol dito dahil nagmamadali na nga itong umalis. Hindi na tuloy namin naitanong kay Angelica kung ano ang masasabi niya sa mga naglabasang chika na sweet na sweet daw sa Spain sina Lloydie at dati nitong ka-loveteam na si Bea Alonzo. Magkasama sa Spain ang dalawa dahil sa isang commitment doon. Kung matatandaan, kumalat ang balitang nag-break na sina Angelica at John Lloyd dahil hindi na raw nakayanan ng aktor ang pagiging selosa at pagiging palengkera ng kanyang dyowa. Pero ayon naman sa ilang taong malapit sa dalawa, totoong nagkaroon ng matinding away ang magdyowa pero agad din naman daw itong naayos. Halos tatlong taon nang magkarelasyon ang dalawang Kapamilya stars at natatandaan namin ang sagot noon ni Angelica kung paano nila napapanatiling mainit ang pagsasama nila ng boyfriend. Aniya, “Mature kaming dalawa sa lahat ng aspeto. Siguro maganda lang din talaga ‘yung naging simula nung relationship. Naging okay kaming magkaibigan. Swak kami sa isa’t isa. Gets ko siya, gets niya ako.”
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending