Baby shower para sa ‘royal baby’ ng DongYan | Bandera

Baby shower para sa ‘royal baby’ ng DongYan

Ervin Santiago |June 17,2015
facebook
share this

Baby shower para sa ‘royal baby’ ng DongYan

Ervin Santiago - June 17, 2015 - 02:00 AM

dindong dantes

SA wakas, makalipas ang higit tatlong taon, magbabalik na sa Tonight With Arnold Clavio ang reyna ng primetime sa Kapuso Network na si Marian Rivera!

Ngayong Miyerkules, isang pambihirang pagkakataon ang pinaunlakan ni Marian na minabuti munang bawasan ang kanyang mga proyekyo at trabaho sa pelikula at telebisyon dahil sa pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Dingdong Dantes.

At excited na si Arnold Clavio sa muli nilang paghaharap! Tiyak, masaya at makabuluhan muli ang kanilang magiging kuwentuhan.

Isang “baby shower” ang inihanda ng GMA News TV para sa “Royal Baby”, kasama ang ilang kaibigan ni Marian na surpresang dadalo sa naturang okasyon.

Ano kaya ang kanilang kahilingan at munting regalo para sa anghel sa buhay nina Marian at Dingdong?  At ang tanong sa isipan ng marami—babae ba o lalaki ang magiging first born nila? Ano kaya ang balak nilang ipangalan dito? Kukunin kaya nilang ninong si Igan?

Ilang buwan matapos ang kasal nina Dingdong at Marian, kumusta na ba ang buhay mag-asawa nila? Nagulat nga ba si Marian sa mga nadiskubre niya tungkol kay Dingdong ngayong asawa na niya ito?

Huwag palalampasin ang episode na ito ng Tonight With Arnold Clavio ngayong gabi, pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho, sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending