Coco, Julia may huling pasabog sa Wansapanataym | Bandera

Coco, Julia may huling pasabog sa Wansapanataym

Ervin Santiago |June 13,2015
facebook
share this

Coco, Julia may huling pasabog sa Wansapanataym

Ervin Santiago - June 13, 2015 - 02:00 AM

coco martin

Lalaban para sa kabutihan at kapayapaan ang mga karakter ng Teleserye King na si Coco Martin at Kapamilya actress Julia Montes hanggang sa huli sa “Yami Ever After” finale episode ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures na ipalalabas ngayong Linggo ng gabi.

Ngayong nabawi na nila ang kapangyarihan ni Demetrius (Eddie Garcia), mas malaking pagsubok ang haharapin nina Yami (Coco) at Tanya (Julia) dahil sa balak ni Arkin (Arron Villaflor) na makapaghiganti sa kanila.

Paano mapoprotektahan nina Yami at Tanya ang kanilang mga mahal sa buhay lalo na kapag nagdala ng kapahamakan si Arkin sa mundo ng mga mga tagalupa?

Maituro kaya nila sa mga tao at engkanto na ang tunay na kayamanan ay hindi natatagpuan sa materyal na bagay at kapangyarihan kundi sa pagmamahal ng kanilang mga kaibigan at pamilya?

Kasama rin nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ang mga premyadong aktor kabilang sina Bing Loyzaga, Noni Buencamino, Alonzo Muhlach, Ryan Bang, Marlan Flores at Angel Aquino.

Ito ay sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado, at sa direksyon ni Avel Sunpongco.  Huwag palampasin ang “Yami Ever After” finale ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures bukas, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending