Jessy Mendiola na-in love kay Ariel Rivera | Bandera

Jessy Mendiola na-in love kay Ariel Rivera

Ervin Santiago |June 04,2015
facebook
share this

Jessy Mendiola na-in love kay Ariel Rivera

Ervin Santiago - June 04, 2015 - 02:00 AM

jessy mendiola
BIBIDA ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa bagong episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado (Hunyo 6).

Gagampanan ni Jessy ang karakter ni Cecile, isang 18-anyos na dalagang iibig sa isang alkalde ng isang bayan na si Roel (gagampanan ni Ariel Rivera).

Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad, mabubulag si Cecile sa pag-ibig at sa marangyang buhay na naibibigay sa kanya ni Roel kaya’t ipaglalaban niya ito sa kanyang pamilya.

Ngunit magbabago ang lahat nang mabuntis si Cecile at nagdesisyon si Roel na itago siya mula sa mga tao para sa mga plano niya sa pulitika. Ano ang kinailangang lampasan ni Cecile nang tuluyan na siyang iwanan ng lalaki na ipinaglaban at minahal niya nang buong puso?

Paano siya natulungan ng kanyang pamilya para tanggapin ang kanyang mga pagkakamali at ibuhos ang lahat ng kanyang pagmamahal para sa kanyang anak?

Sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, ang episode ng MMK ngayong Sabado ay pagbibidahan din nina Irma Adlawan, Belle Mariano, Eda Nolan, Karen Timbol at Mike Lloren.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, ngayong Sabado, 7:15 p.m., pagkatapos ng Home Sweetie Home” sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending