Toni, Alex nabiktima ng sindikato sa internet; IG, FB na-hack | Bandera

Toni, Alex nabiktima ng sindikato sa internet; IG, FB na-hack

Ervin Santiago |June 03,2015
facebook
share this

Toni, Alex nabiktima ng sindikato sa internet; IG, FB na-hack

Ervin Santiago - June 03, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga

Na-hack ang social media accounts ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Sa Instagram post ni Alex sinabi nitong hindi na ma-access ng ate niya ang Instagram page nito.

“ACCOUNT HACKED!! @celestinegonzaga hey you hacker hacker hacker hacker!!!!! Help us report this to instagram!! lagot ka, tinatrack ka na! Even if you blocked meee…. Lagot ka parin! Hacker hacker pants on fire!!” ang IG post ni Alex.

Kahapon, tuluyan nang tinanggal ang IG account ni Toni na @celestinegonzaga matapos makumpirma na pinakialaman ito ng sindikato sa internet.

Ngunit ilang minuto lang ang lumipas matapos ibalita ni Alex ang pangha-hack sa IG ng kapatid, ang personal Facebook account naman daw niya ang pinakialaman ng mga hacker.

Samantala, hanggang ngayon ay ayaw pa ring magdetalye ni Toni tungkol sa kasal nila ni direk Paul Soriano. Una nang napabalita na June 12 ang wedding ng dalawa at ito’y magaganap sa isang simbahan sa Taytay, Rizal, ang hometown ng mga Gonzaga.

Sa isang interview, sinabi ni Toni na pangarap niya talagang maikasal sa nasabing simbahan, at gusto rin daw ng kanyang magulang na doon sila ikasal ni Paul.

Tulad ng naibalita na namin dito, ang American fashion designer na si Vera Wang ang gagawa ng wedding gown ni Toni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending