Gerald, Shaina, Marco, Coney pinapalakpakan sa Nathaniel | Bandera

Gerald, Shaina, Marco, Coney pinapalakpakan sa Nathaniel

Ervin Santiago |June 03,2015
facebook
share this

Gerald, Shaina, Marco, Coney pinapalakpakan sa Nathaniel

Ervin Santiago - June 03, 2015 - 02:00 AM

nathaniels

Matatag pa rin sa kanyang pwesto bilang isa sa highest-rating series ng ABS-CBN ang Primetime Bida soap na Nathaniel na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at bagong child wonder na si Marco Masa na gumaganap bilang si Nathaniel.

Sa huling survey na inilabas ng Kantar Media/TNS, pumalo sa pinakamataas nitong national TV rating ang inspirational drama series ng ABS-CBN matapos masaksihan ng madlang pipol ang muling paglipad ni Nathaniel bilang anghel na pinababa sa lupa para ibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos.

Sa datos ng Kantar Media last week, nakamit ng Nathaniel ang all-time high national TV rating nitong 37%.Matapos ngang sagipin sa tiyak na kapahamakan si Abby (Yesha Camile), ginamit ni Nathaniel ang kanyang mga pakpak upang sagipin ang buhay nito.

Maitatago pa nga ba ni Nathaniel sa lahat na siya ay isang anghel? Ano na ang mangyayari kapag nalaman niya na sina Rachel (Shaina) at Paul (Gerald) ang tunay niyang mga magulang?

At hanggang saan naman aabot ang kasamaan ng karakter ni Coney Reyes sa serye? Tuluyan na kaya niyang mahila sa impyerno ang kanyang anak na si Paul? In fairness, talagang pinapalakpakan ng manonood ang lahat ng bida sa serye tuwing gabi, dahil sa kanilang epektibong akting!

Napakarami pang dapat abangan sa pagpapatuloy ng Nathaniel kaya huwag na huwag bibitiw sa kwentong magpapatunay na may kabutihan sa puso ng mga tao, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida sa produksiyon pa rin ng Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending