Ryan sasamahang magpa-check up si Juday...buntis na? | Bandera

Ryan sasamahang magpa-check up si Juday…buntis na?

Ervin Santiago |June 01,2015
facebook
share this

Ryan sasamahang magpa-check up si Juday…buntis na?

Ervin Santiago - June 01, 2015 - 02:00 AM

judy ann santos

NA-EXCITE ang lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta kay Judy Ann Santos nang lumabas ang balitang buntis na uli ang Teleserye Queen.

Pero hanggang kahapon ay wala pa ring ginagawang pagkumpirma ang mag-asawang Juday at Ryan Agoncillo tungkol sa nasabing “good news”.

Nananatiling tahimik ang dalawa tungkol sa muling pagdadalang-tao ng Kapamilya TV host-actress.Ayon sa mga naglabasang ulat, mas gusto munang manahimik ng mag-asawa sa ngayon pero nangako naman daw ang mga ito na ipapaalam sa publiko ang tunay na kundisyon ngayon ni Juday sa tamang panahon.

Ayaw din daw magpa-interview nina Juday at Ryan about this. Pero maraming followers ng showbiz couple ang naniniwala na baka buntis na nga si Juday sa ikalawang baby nila ni Ryan.

Ito’y matapos ngang mabalita na hindi makakasama si Ryan sa Hongkong trip ng mga hosts ng Eat Bulaga ngayong unang linggo ng June.

Tumapat daw kasi ang check-up ni Juday sa kanyang OB-Gyne sa araw ng alis ng Eat Bulaga dabarkads patungong HK. Lilipad pa-Hong Kong ang tropa ng Eat Bulaga ngayong June 4 bilang post-birthday celebration para kay Vic Sotto.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending