Salamin ng bintana sa bahay ni Angelica basag: Aksidente o harassment? | Bandera

Salamin ng bintana sa bahay ni Angelica basag: Aksidente o harassment?

Ervin Santiago |May 30,2015
facebook
share this

Salamin ng bintana sa bahay ni Angelica basag: Aksidente o harassment?

Ervin Santiago - May 30, 2015 - 02:48 PM

bahay ni angelica

NA-SHOCK si Angelica Panganiban nang madatnan niyang basag ang salamin ng kanyang bahay sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Sa kanyang Instagram account, ipinost kanina ng umaga ng girlfriend ni John Lloyd Cruz ang litrato ng dalawang bahagi ng kanyang bahay kung saan makikita ang mga bubog ng basag na salamin ng kanyang bintana. Makikita sa litrato na bukas ang bintana ng bahay ng Kapamilya actress at nagkalat din ang bubog sa sahig. Ang tanging caption na inilagay ni Angelica sa nasabing IG post ay: “Pagkatapos magtrabaho ng ilang araw, ito ang uuwian mo sa bahay mo. Ewan ko na.” Wala ng ibang detalyeng ibinagi ang aktres sa nangyari sa kanyang bahay. Ilang followers ni Angelica ang nagsabi na baka raw aksidenteng nabasag ang salamin ng bintana niya dahil sa sobrang init ng panahon. Pero may nagkomento naman na posibleng may taong gustong takutin ang dyowa ni Lloydie kaya binasag ang salamin ng window niya. Baka raw may nakaaway ang dalaga at gusto lang nitong makaganti sa pamamagitan ng panghaharas. Ayon naman sa isang netizen, baka raw ninakawan ang bahay ni Angel. Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang official statement na inilalabas si Angelica tungkol sa nasabing insidente.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending