Sigaw ng Bashers: Dennis, Jennylyn sinungaling, dapat na raw umamin | Bandera

Sigaw ng Bashers: Dennis, Jennylyn sinungaling, dapat na raw umamin

Ervin Santiago |May 30,2015
facebook
share this

Sigaw ng Bashers: Dennis, Jennylyn sinungaling, dapat na raw umamin

Ervin Santiago - May 30, 2015 - 03:00 AM

JENNYLYNN MERCADO AT DENNIS TRILLO

JENNYLYNN MERCADO AT DENNIS TRILLO

TIGAS pa rin sa pagtanggi si Dennis Trillo na nagkabalikan na sila ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado, ito’y sa kabila ng mga naglalabasang balita na madalas silang makitang magkasama at sweet na sweet sa isa’t isa.

Ilang beses na naming nakausap sina Jennylyn at Dennis at pareho silang nagdedenay na magdyowa na uli sila ngayon, bumalik lang daw ang magandang friendship nila kaya sinasamantala lang nila ang pagkakataon.

Kamakailan ay marami ang nagpatunay na mukhang nagsisinungaling daw ang dalawang Kapuso stars dahil kung ang pababasehan daw ay ang kilos at tinginan nila ay siguradong nagkabalikan na nga sila.

Sa huling event na pinuntahan nina Dennis at Jen (UFC Fight Night: Manila at the Mall of Asia Arena) marami ang nakakita kung paanong alagaan at alalayan ng Kapuso actor si Jennylyn. Kulang na nga lang ay maghalikan daw ang mga ito sa sobrang kaswitan.

Pero sa nakaraang guesting naman ni Dennis sa Kris TV, sinabi ng binatang ama na hindi pa sila talaga nagkakabalikan ni Jen. Sa tanong ni Kris kung nanliligaw ba uli siya sa ex-GF, ang tugon ng aktor, “Parang pambawi lang doon sa nangyari na hindi maganda.”

Dito rin inamin ni Dennis na niregaluhan niya ng relo at mountain bike si Jen nang nagdiwang ito ng kanyang 28th birthday last May 15. Ang komento nga ng ilang netizens tungkol dito, kung wala ba kayong espesyal na relasyon, o kung hindi ba kayo magdyowa, bibigyan mo ba ng watch at mamahaling mountain bike ang isang tao?

Pero sey ni Dennis, talagang bumabawi lang siya kay Jennylyn dahil sa hindi kagandahang paghihiwalay nila noon, “Siguro advantage din ‘yun na kabisado niyo na ‘yung isa’t isa kaysa sa magri-risk ka na naman sa isang bagong tao na wala kang kaalam-alam.”

Basta ako, naniniwala akong matagal nang nagkabalikan sina Dennis at Jennylyn – takot lang silang umamin dahil siguradong puputaktihin na naman sila ng intriga. Mas mabuti na nga namang hindi alam ng madlang pipol kung ano talaga ang nagaganap sa pagitan nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending