Nambaboy kay Kathryn sa social media hinahanting na, dapat lang makulong | Bandera

Nambaboy kay Kathryn sa social media hinahanting na, dapat lang makulong

Alex Brosas |May 30,2015
facebook
share this

Nambaboy kay Kathryn sa social media hinahanting na, dapat lang makulong

Alex Brosas - May 30, 2015 - 03:00 AM

KATHRYN BERNARDO

KATHRYN BERNARDO

Sobra palang na-hurt si Kathryn Bernardo sa naglabasang fake nude photos niya sa social media.

Nawala raw ito sa mood nang malamang meron siyang mga hubad na litrato na kalat na kalat na sa internet. Parang nawalan daw ito ng gana sa bagong intriga sa kanya.

To the rescue naman ang KathNiel fans. Talagang buhos ang pagbibigay nila ng suporta kay Kathryn. Ang daming messages of enlightenment ang kanilang ipinost sa social media para maibsan ang pain na nadarama ng love screen partner ni Daniel Padilla.

“Dont worry Kathryn wala namang maniniwala sa mga ungas na gumawa nyan, we all know na very whilesome ang image mo.”

“Ganyan talaga sa sobrang INGGIT ng iba hahatakin ka pababa kasi sikat si Kathryn maski anong gawin nyo basta mahal namin sya …you can never put a good man down.”

Dalawa lang ‘yan sa messages ng fans ni Kathryn na aming nabasa recently.

Actually, hindi naman talaga dapat mabahala si Kathryn o maging ang kanyang inang si Mommy Min. Wala namang naniwala na kayang mag-pose nang hubo’t hubad ni Kathryn, ‘no!

Pero dahil ina siya ni Kathryn ay na-hurt si Mommy Min kaya naman nakapag-react siya nang ganoon. Sino nga ba namang ina ang matutuwa na makita na merong nude photos ang anak kahit fake naman talaga ito? Wala naman, ‘di ba?

Actually, lalo lang pinasikat ng fake nude photo scandal si Kathryn. It also boils down doon sa mga inggit sa kanya, na gagawin nila ang lahat para lang ibagsak ang Queen Teen. They will resort to cheap publicity stunts just to put Kathryn down.

Totoo kaya na hinahanting na ng KathNiel fans ang nagpalabas ng fake nude photos ng dyowa ni Daniel? Magawa naman kaya nilang maipakulong ang salarin? Well, wala namang masama kung mag-try sila. Ang mahalaga may ginawa silang aksiyon para maparusahan ang nambaboy kay Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending