Pagkakaibigan nina Binay at FPJ walang halaga kay Grace Poe | Bandera

Pagkakaibigan nina Binay at FPJ walang halaga kay Grace Poe

Cristy Fermin |May 30,2015
facebook
share this

Pagkakaibigan nina Binay at FPJ walang halaga kay Grace Poe

Cristy Fermin - May 30, 2015 - 03:00 AM

GRACE POE AT JEJOMAR BINAY

GRACE POE AT JEJOMAR BINAY

Ramdam na ramdam na ngayon pa lang ang init ng nalalapit na eleksiyon. Hindi pa man nagdedeklara ay nagpapatutsadahan na ang mga pulitiko at ang kanilang mga kaalyado nang ganito kaaga.

Si Senadora Grace Poe ang sinasabing ipapareha sa kakandidatong pangulong si DILG Secretary Mar Roxas, kakalabanin ng kanilang tambalan ang kung sinumang tatakbong vice-president ni VP Jejomar Binay, dating campaign manager ng namayapang si Fernando Poe, Jr..

Sa panlasa ng nakararami na nakasaksi sa suporta ni VP Binay nu’n sa Hari Ng Pelikulang Pilipino ay parang hindi na pinahahalagahan ng senadora ang malapit na kaibigan ng kanyang ama.

Mukhang sumablay ang senadora sa halatadong pagkiling sa partidong kalaban ni VP Binay, kaya nakapagsalita ang mga abogado ng bise-presidente na parang kinalimutan na ni Senadora Grace ang napakalaking naitulong nito sa kanyang amang tumakbo bilang pangulo, pero pinaniniwalaang dinaya ng kanyang kalaban.

Lumulutang na ngayon pa lang ang mga motibo ng mga kilalang pulitiko, ang pagbabaligtaran ng kanilang katapatan, napakaaga pa kung tutuusin pero nagsisimula na ang laban!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending