'Tapang at malasakit' na slogan ni Duterte; nagtrending sa social media | Bandera

‘Tapang at malasakit’ na slogan ni Duterte; nagtrending sa social media

- May 29, 2015 - 03:31 PM

duterte1NAGTRENDING sa social media ang umano’y ad ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may slogan na “Tapang at Malasakit,” dahilan para magtanong ang mga netizen kung tatakbo ba siya o hindi sa 2016 presidential elections.
Umabot ang video ng 34 na segundo at ito ay naka-upload na sa Facebook matapos itong ilagay ng Rody Duterte Supporters OFW Worldwide noong Huwebes at ito ay na-ishare na rin ng mga user ng YouTube.
Makikita sa video si Duterte na nakasakay sa motorsiklo at nakikipag-usap sa mga nasasakupan, kasama na ang mga estudyante, senior citizen, mga pamilya at mga tao sa kalsada.

Ipinagmalaki ni Duterte ang katahimikan at kaunlaran sa Davao City, na ayon sa kanya ay kaya niya ring gawin sa buong bansa.

“Hindi na sekreto kung paano umunlad ang Davao. Kailangan lang ng kaunting tapang—tapang para ituwid ang mapagsamantala, lumalabag sa batas, at nang-aapi sa walang laban. May katahimikan sa Davao. Kailangan lang ng disiplina at determinasyon. Dumami ang trabaho, nakapag-aral ang mga bata, sumaya ang bawat pamilya,” sabi ng nagsasalita.

“Pwedeng magkaganito ang Pilipinas. Kailangan lang ng tapang at malasakit,” dagdag pa nito.
Kabilang sa mga nagkomento sa video ay isang Jehan Ohiman na ayon sa kanya ay isa na itong pangangampanya sa 2016.
“Omg! Parang pang-campaign for president ang video. Makapanindig balahibo at nakakaiyak sa galak,” sabi ni Ohiman.
Nauna nang itinanggi ni Duterte na plano niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.
Umabot na ang video sa 90,000 ang views, 4,000 likes, at 400 comments.
Kinunkonsidera naman ni Vice President Jejomar Binay bilang kanyang posibleng ka-tandem sa 2016.
Libo-libo rin ang dumalo sa fun run para kumbinsihin si Duterte na tumakbo sa pagkapangulo sa 2016. Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending