Binay, anak na si JunJun, 18 iba pa pinakakasuhan na ng plunder | Bandera

Binay, anak na si JunJun, 18 iba pa pinakakasuhan na ng plunder

|May 28,2015
facebook
share this

Binay, anak na si JunJun, 18 iba pa pinakakasuhan na ng plunder

- May 28, 2015 - 03:17 PM

jejomar binay
PINAKAKASUHAN na ng plunder ng Senate blue ribbon subcommittee si Vice President Jejomar Binay, anak na si Makati City Mayor Jojomar Erwin “JunJun” Binay at 18 iba pa kaugnay ng alegasyon ng korupyon at anomalya sa Makati City.
Sinabi ni United Nationalist Alliance (UNA) spokesman JV Bautista na hindi na nabigla ang kampo ni Binay sa draft report ng subcommittee.
“It (draft report) has no purpose at all,” sabi ni Bautista bago magsimula ang pagdinig ng Senate subcommittee.

Iginiit naman ni Bautista na nananatili pa ring nangunguna si Binay sa mga posibleng tumakbo sa 2016 presidential elections sa kabila ng mga alegasyon laban sa kanya.
Ayon pa kay Bautista, hindi nagtagumpay ang mga senador na nag-iimbestiga kay Binay sa kanilang layuning pulitikal.
Idinagdag pa ni Bautista na wala nang direksyon ang ginagawang imbestigasyon ng Senado. Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending