Kalat na: Heart, Chiz magkakaroon ng 2nd wedding | Bandera

Kalat na: Heart, Chiz magkakaroon ng 2nd wedding

Ervin Santiago |May 27,2015
facebook
share this

Kalat na: Heart, Chiz magkakaroon ng 2nd wedding

Ervin Santiago - May 27, 2015 - 02:00 AM

chiz escudera

True kaya ang usap-usapan sa social media na magkakaroon ng second wedding sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero? Ito’y matapos ngang mapabalita na nagkaayos na ang parents ng Kapuso actress na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco at si Sen. Chiz.

Mismong si Heart ang nagbalita sa kanyang Instagram account na dinalaw sila ng kanyang mga magulang sa bahay nila noong Sunday, magkakasama rin silang nag-dinner.

Sa latest IG post ni Heart, isang wedding photo nila ni Chiz ang ibinahagi niya sa kanyang followers na kuha sa Balesin Island resort, nilagyan niya ito ng caption na: “All I can say is…I can’t wait.”

Ayon sa ilang netizens, posibleng ang tinutukoy na “good news” ni Heart sa palitan nila ng mensahe sa IG ng isa niyang kaibigan ay ang ikalawang kasal ng mag-asawa.

Sinabi pa ng friend ng Kapuso actress na hindi na siya makapaghintay sa tinutukoy na magandang balita. May mga nanghula pa na baka raw buntis na si Heart kaya biglang napasugod ang kanyang mga magulang sa bahay nila ni Chiz.

Pero agad namang dinenay ni Heart na pregnant na siya. Ayon sa aktres, next year pa nila plano ni Chiz na magkaroon ng baby. Kung matatandaan, dinedma ng mga parents ni Heart ang kasal ng aktres dahil hindi pa rin nila matanggap si Chiz bilang son in law.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending