Maja, Gerald nakarma sa pagtraydor kay Kim | Bandera

Maja, Gerald nakarma sa pagtraydor kay Kim

Alex Brosas |May 27,2015
facebook
share this

Maja, Gerald nakarma sa pagtraydor kay Kim

Alex Brosas - May 27, 2015 - 02:00 AM

maja salvador

BITER-BITERAN pa rin ba si Maja Salvador sa hiwalayan nila ni Gerald Anderson? Hindi pa rin ba siya maka-move on sa break-up nila?

We’re asking this as we saw in one Facebook fan page na ito raw si Maja ay naulinigan na nagsabing kung merong ibang guy na nanligaw sa kanya noon ay hindi niya sasagutin si Gerald.

Ano raw? Parang pinalalabas ni Maja na she has no choice at that moment and the only thing that she has to do ay sagutin ang ex-boyfriend ni Kim Chiu.

What was she driving at? Na hindi quality boyfriend si Gerald and she was napilitan lang na sagutin ang binata? Wow! This Maja Something is really making us wonder kung ano ba talaga ang galit niya kay Gerald.

Was it a case of a woman scorned na hindi na maka-move on? Naisahan ba siya ni Gerald? Actually, magpasalamat na lang si Maja dahil ang dami niyang blessings ngayon.

Sunud-sunod ang mga raket niya sa showbiz at meron siya kaagad na gold record award para sa kanyang second album.
Move on na, girl.

Ngayon siguro ay na-realize mo ang pinagdaanan ni Kim. Karma sa ‘yo ang ginawa mo kay Kim.  Isa pa, we felt na bumaba ang kasikatan ni Gerald nang maging sila ni Maja. Nawalan siya ng appeal.

Nawala ang interest ng tao sa hunk actor. Mas gusto pa rin kasi ng fans na sila ni Kim Chiu ang magkatuluyan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending