Jake Cuenca nag-sorry kay Vice Ganda; naawa sa dating GF | Bandera

Jake Cuenca nag-sorry kay Vice Ganda; naawa sa dating GF

Ervin Santiago |May 26,2015
facebook
share this

Jake Cuenca nag-sorry kay Vice Ganda; naawa sa dating GF

Ervin Santiago - May 26, 2015 - 07:31 PM

JAKE CUENCA

JAKE CUENCA

DIRETSONG inamin ng Kapamilya hunk actor na nag-walkout talaga siya sa taping ng Gandang Gabi Vice kamakailan para sa promo ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang Pasion de Amor.

Ayon kay Jake, hindi talaga niya gusto na bigla na lang umalis sa taping ng GGV pero feeling niya kailangan niyang gawin yun para sa ex-girlfriend niya na present din sa nasabing tapin. Ikinagulat naman daw ni Vice ang ginawa ni Jake.

“Nagulat ako. Siyempre bago tinawag ang mga pangalan namin, pagsilip ko sa pintuan, nakita ko ‘yung ex ko. Nandoon kasi lahat ng candidates ng Miss Earth.

I just didn’t want to put my ex-girlfriend in that situation,” esplika ni Jake na ang tinutukoy ay ang Filipino-Australian model na si Chanel Olive Thomas, na isa sa 41 kandidata sa 2015 Miss Philippines-Earth.

“Hindi sa hindi ko kaya (na nandoon siya). Naging gentleman lang ako na ayaw ko ilagay sa alanganin ‘yung tao, lalo na moment niya ngayon na mag-Miss Earth,” anang aktor.

Agad naman daw kinausap ni Jake si Vice tungkol dito at nag-sorry. Naintindihan naman daw ito ng TV host-comedian.
“Nag-apologize ako kay Vice.

Wala namang harm done kasi alam niya kung bakit ko ginawa ‘yun. At the end of the day, nakatulog ako ng maayos kasi I did what a gentleman should have done in that situation,” chika pa ng isa sa mga bida ng napakainit na seryeng Pasion de Amor na magsisimula na sa darating na Lunes bago mag-TV Patrol.

Dagdag pa ng binata, “Hindi ko naman sila pwede paalisin. Paano ko ipo-promote ng maayos sa capability ko na nagulat ako na nandoon ‘yung ex ko? Paano ko mapo-promote ‘yung show ko?”

Naniniwala rin si Jake na tama ang ginawa niya dahil nirerespeto pa rin niya ang kanyang dating dyowa. Sa ngayon isang model din ang bagong dyowa ni Jake, si Sara Grace Kelley.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending