Vice bawal manood pag may game ang dyowang cager | Bandera

Vice bawal manood pag may game ang dyowang cager

Ervin Santiago |May 26,2015
facebook
share this

Vice bawal manood pag may game ang dyowang cager

Ervin Santiago - May 26, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

SI Vice Ganda na mismo ang umamin na pinagbabawalan siya ng kanyang dyowang basketball player na huwag na huwag manonood kapag meron silang laro.

Sa episode last Sunday ng Gandang Gabi Vice, ibinandera ng TV host-comedian ang rason kung bakit hindi siya nanonood sa kahit anong game ng kanyang boyfriend na basketball player.

Special guest ni Vice sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at dito nga niya tinanong ang Teen King kung iniimbita niya ang kanyang ka-loveteam na manood kapag meron siyang basketball game, oo naman daw ang sagot ni Daniel.

“Kasi ako, ayaw akong papuntahin ng dyowa ko kapag may laro sila. Tinanong ko siya kung bakit, ang sagot, ‘Kasi ayokong malaman nila na dyowa kita!” sabay tawa ni Vice.

Hirit pa nito, “Naku, hayaan na nga natin! Sige, bahala ka, kapag ikaw nagkaroon ng injury huwag kang hihingi ng pambili ng gamot sa akin!” na talagang ikinahagalpak ng audience ng GGV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending