Quantcast

Horoscope, May 26, 2015

By

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayon palang linawain sa isipan ang mga pangarap. Sa buwan ng Hunyo, maraming suwerte ang biglang darating. Muling iinit ang relasyon, habang sa pinansyal, makapal na salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 6, 15, 24, 42, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Devah-Om”. Purple at beige ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kikita ng malaking halaga kung matututong mag-concentrate sa isang gawain lamang. Sa pag-ibig at sa lahat ng aspeto ng buhay, walang mabuting idudulot ang pabago-bago ng isip. Matatag at matigas na desisyon ang gawin. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Sapadra-Om.” Red at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Kapag nawasak ang pamilya, sa bandang huli ikaw rin ang masasaktan. Makuntento sa kasalukuyan, kaysa maghanap pa ng kung ano-anong luho na hindi naman kayang ibigay ng kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Niva-Om-Araanam.” Lilac at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Hindi masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng sisihan! Akuin ang pagkakamali ng iba! Sa pag-ibig, hayaan mong mag-reklamo ang kasuyo, wala naman siyang magagawa sa gusto mo. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Karaam-Om”. Silver at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—May makasangga ka na sa malaking gastusing kinakaharap – isang Scorpio ang tutulong sa iyo. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating pamumuhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahmeh-Dosya-Om.” Green at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at doon kayo mag nilaynilay. Mapalad ang 7, 11, 25, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum-Obre-Om.” Purple at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Isang kaibigan ang nai-inggit. Hindi kasi nya matanggap na naunahan mo siyang umasenso! Tulungan siyang umasenso, upang hindi ka nya siraan sa inyong mga kakilala. Sa pag-ibig, tama na ang pagpapaganda magiging mitsa payan upang mahulog ka sa tukso. Mapalad ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sari-Kara-Om.” Pink at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Maglubay na sa mga maling nakaugalian. Disiplinahin ang sarili upang makaipon. Sa pag-ibig, panahon na upang iwasan ang immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Ketu-Om.” Red at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pagsisipag mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa ka-relasyong mataba, tamang-tama lang ang ka-relasyong payat at balingkinitan ang pangangatawan. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Babanam-Ke-Balam.” Violet at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Ang kalinisan ang magdadala ng magandang kapalaran. Simulan ng maglinis ng silid at buong kabahayan. Sa pag-ibig, wag ng katulungin ang kasuyo sa paglilinis, lalo lang magugulo ang yong mga gamit – pabilin na lang siya ng meryenda! Mapalad ang 4, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposibleng maganap. Sa kabila ng maraming problema darating ang malaking halaga ng salapi. Yong isang nilalang na noon mo pa nais maangkin, siya pa ang mag-aaya sa iyo at lalapit. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Halka-Om.” Blue at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Lihim na naiinis sa iyo ang mga kaibigan. Wag ka kasing maepal. Panatiliin ang pagiging low profile upang hindi ka nila kainisan ng lihim. Sa pag-ibig kung minsan mas mainam na manahimik kaysa sa magdadadakdak. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Hagiel-Om.” Green at black buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kung palagi kang panghihinaan ng loob walang mangyayari! Tama ang kasalukuyang desisyon – mag-matapang! Sa pag-ibig, wag namang labis na pangunahan ang iyong kasuyo, baka layasan ka nya. Mapalad ang 2, 13, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ava-Aum-Yara.” Magenta at lilac ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement