Inday Bote ni Alex may pasabog sa ending | Bandera

Inday Bote ni Alex may pasabog sa ending

Ervin Santiago |May 26,2015
facebook
share this

Inday Bote ni Alex may pasabog sa ending

Ervin Santiago - May 26, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga

WALA nang makapipigil pa sa pagbangon ng karakter ng Kapamilya TV host-actress na si Alex Gonzaga sa “ending na hindi pwedeng ismolin” ng top-rating primetime fantaserye ng ABS-CBN na Inday Bote ngayong Biyernes (May 29) sa Primetime Bida.

Sa pagbubunyag ng tunay niyang pagkatao, gagawin na ni Inday (Alex) ang lahat para itama ang mga pagkakamali na ginawa ni Fiona (Aiko Melendez) sa kanyang pamilya.

Paano nga ba maaayos ni Inday ang lahat ng kaguluhan sa pamilya Vargas ngayong malalaman na ng lahat na siya ang nawawalang si Kristal? Mapipigilan pa ba niya ang sukdulang kasamaan ni Fiona sa tulong ng mga duwendeng nagpoprotekta sa kanya?

Sa huli, may kailangan nga bang magsakripisyo ng buhay para sa katahimikan at kapayapaan ng lahat? Sa ilalim ng direksyon nina Manny Palo at Jon Villarin, tampok din sa Inday Bote sina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo at Alonzo Muhlach.

Huwag palampasin ang “ending na hindi pwedeng ismolin” ng Inday Bote, ngayong Biyernes na bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida dahil sa pasabog nilang ending.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending