Glaiza, Rhian ang seseksing tomboy | Bandera

Glaiza, Rhian ang seseksing tomboy

Ervin Santiago |May 26,2015
facebook
share this

Glaiza, Rhian ang seseksing tomboy

Ervin Santiago - May 26, 2015 - 02:00 AM

rhian ramos

PARA sa lahat ng tumututok sa tomboy serye ng GMA na The Rich Man’s Daughter nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos na ang gagaling gumanap bilang magagandang tibo, narito ang kailangan n’yong abangan tonight.

Hahamunin ni Althea si David na saktan siya dahil tomboy siya, pero hindi niya ito magagawa. Pagbabantaan nito si Althea na ‘wag na uling lalapit kay Jade.

Sasabihin ni Oscar (Al Tantay) kay Amanda (Glydel Mercado) na kalimutan na si Paul – dalawa na lang daw ang anak nila: si Gabriel (TJ Trinidad) at si Jade.

Haharapin ni David si Jade: alam na nito ang tungkol sa relasyon kanila ni Althea. Hindi niya matanggap na ipinagpalit siya ni Jade sa isang babae.

Aaminin ni Jade kay David na mahal niya talaga si Althea—bagay na hindi matatanggap ng binata. Hindi na itutuloy ni David ang engagement nila ni Jade kaya naman aasa si Althea na puputulin na ni David ang relasyon nito kay Jade, pero bibigyan siya ng reality check ni Batchi.

Susuntukin ni Oscar si David, pero paninindigan ni David ang sinabi niya: hindi niya na pakakasalan si Jade. Pagsasabihan ni David si Jade na hindi siya papayag makasal sa babae dahil ayaw niyang maging panakip-butas nito.

Gustong ayusin ni Amanda kung anuman ang hidwaang nangyari between Jade and David. David tells his mother na ‘wag nang kausapin ang kahit sinong Tanchingco.

Samantala, sasabihin ni Ama (Gloria Romero) kay Jade na mabuting tao si David kung ito mismo ang nag-call off ng engagement, knowing na hindi magiging masaya sa kaniya si Jade. Malalaman na lang nina Amanda at Oscar na lumipad na si David patungong America.

Habang nagdi-dinner sina Gabriel at Pearl, magkukrus muli ang landas nina Gabriel at Angeline (Charee Pineda). Aaminin ni Jade kay Oscar na siya ang dahilan kung bakit umatras si David sa kasal—dahil alam na ng former fiancé kung sino ang totoo niyang mahal.

Magagalit si Ama kay Oscar nang makita niyang sinasaktan nito si Jade. Iisip ng paraan si Oscar para parusahan si Jade. Ilalayo na nito si Ama kay Jade.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending