Sunshine sa mga anak: ‘Wag kayong magpapaapi kahit kanino! | Bandera

Sunshine sa mga anak: ‘Wag kayong magpapaapi kahit kanino!

Julie Bonifacio |May 25,2015
facebook
share this

Sunshine sa mga anak: ‘Wag kayong magpapaapi kahit kanino!

Julie Bonifacio - May 25, 2015 - 02:00 AM

sunshine cruz

TEENAGER na teeanager ang hitsura ni Sunshine Cruz during our merienda sa pabaritong restaurant sa Kyusi ng Presidente ng Pilipinas na si Noynoy Aquino in one-super hot summer afternoon.

Nakasuot ng light maroon American Eagle t-shirt at skinny maong jeans with matching rubber shoes ang outfit ng aktres kaya lutang na lutang ang kaseksihan niya’t kagandahan.

Aside from the outside appearance ni Sunshine, lumalabas kasi ang lahat ng positive vibes sa kalooban ng kanyang katawan. Mas at peace and happy kasi ngayon si Sunshine na makikitang tumatagos sa kanyang mga mata.

“Naku, hindi naman,” salubong na ngiti niya. “Mas at peace, mas nakakatulog lang ng masarap ngayon knowing that your children love you so much. ‘Yun ang importante na kapag ang mga anak mo masaya lang at alam mo na mahal na mahal ka, nagbibigay sa ‘yo ‘yan ng strength at inspirasyon.”

Galing si Sunshine sa sportsfest nang pinagsamang daytime drama-shows ng ABS-CBN, ang Oh My G at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na ginanap sa Aquinas gym sa San Juan.

Nagbigay suporta si Sunshine sa mga kasamahan niyang artista sa OMG where she plays the role of Lucy na tiyahin ni Sophie portrayed by Janella Salvador.

“Mataas naman so far ang rating ng OMG. At ‘yung role ko ‘di ba from OA-OA ako, nakakaawa na ako ngayon. So, marami pang dapat abangan kung ano ang mangyayari kay Lucy sa show,” lahad niya.

Bukod dito, may special guest role appearance rin siya sa launching movie nina Enrique Gil at Liza Soberano na may titulong “The Bet.” Mother ni Enrique ang role ni Sunshine sa pelikula.

Speaking of pagiging mother, nakatutok talaga si Sunshine sa tatlo niyang anak na sina Angelina (13), Sam (10) at Cheska (9) na lahat ay mga nag-aaral sa La Salle Zobel sa Alabang.

“I’m just so proud na kahit ang dami naming pinagdadaanan, dalawa ‘yung third honors ko at ang aking bunso ay first honor, so, it only shows na okey ang mga anak ko.

Okey naman sila now, they’re happy. Noong huli nga sabi ko nga, ‘Aba, biglang nag-excel ang mga bata noong medyo nalayo doon sa kabila. Aba, biglang nagtaasan ang grades.

So, sabi ko, maybe there’s really something wrong,” kwento ni Sunshine.Nakapag-adjust na raw nang tuluyan ang kanyang mga anak sa “bagong buhay” nila especially with their new house and school, “Kahit simple lang, ang bahay naman namin ay hindi naman ganoon kalaki at ang kalahati noon ay utang ko pa sa aking nanay,” natatawang sabi ni Sunshine.

Thankful din si Sunshine dahil walang nagbu-bully sa kanyang mga anak sa eskwelahan kahit na may malaking kontrobersiyang kinakaharap ang kanilang mga magulang.

“Wala namang nagbu-bully sa kanila but of course the principal maybe need to know what’s in their heart, what really happened sa mga isyu, but okey naman. Well-protected sila. Okey naman ang La Salle. Wala akong masabi sa school na ‘yun.”

Pero minsan daw may mga classmate rin ang anak niya na nagtatanong, “Syempre minsan nakakapanood siguro, ‘Is it true?’ Ang sinasabi lang daw nila, it’s something personal. Let’s not talk about it.

“Super talino ang mga ‘yan. Sobrang proud ako sa kanila. Pwede silang pakawalan at saka tinuturuan ko sila to be independent, na maging strong. Syempre kapag may nang-bully sa inyo, huwag kayong magpapaapi. ‘Yun ang sinasabi ko kasi puro na nga kami babae ‘di ba?” anang aktres.

Dugtong pa niya, “But not to the point na sasapakin nila ‘yung mga nangbu-bully. Sabi ko nga, if you have to tell them, ‘My mom will know this and my mom will talk to you, sabihin ninyo.

Or go to your teacher kaagad and tell them the story. Very vocal naman sila sa akin at kapag meron silang crushes open naman sila.

“Pero ano naman, may deal kami, ‘O, you have to tell me who your crushes are and I will tell you who’s my crush ?’ So, may ganyan kami kaya parang magbabarkada lang and I think it’s working naman. Thank God, it’s working.”

Pero sinasabihan pa rin daw niya ang kanyang mga anak na hanggang crush lang muna sila dahil ang babata pa nila at kasunod ang biro na huwag daw unahan ang mommy nila na magka-boyfriend.

Tawa lang daw siya nang tawa kapag sinasabi ng mga anak niya na ka-age bracket lang niya ang guy na gusto nilang maging boyfriend niya and as long as he will make her happy.

Nakikita raw kasi ng mga bata si Sunshine na trabaho lang nang trabaho. At kapag walang work, nasa bahay lang and spends time with them. ‘Yun lang daw ang iniikot ng buhay ni Sunshine ngayon.

Bagaman, natuklasan namin na may mga nagte-text sa kanya at gusto siyang ligawan, huh! “I’m honest with them. I’m not yet annulled at focus ko muna trabaho.

At saka alam mo naman dito sa Pilipinas, hindi naman sa pag-aano, pero kapag ang lalaki kahit na hindi pa-annulled, game lang. Pero kapag babae nakitang may kasama, ang sama mo na agad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapiktyuran lang na katabi ko, napapagbintangan na agad, kawawa naman,” saysay niya. Ni mag-kape lang kasama ang isang guy at hindi magawa ni Sunshine, “Unfair doon sa guy.

So, hintayin ko na lang muna. Sana sooner or later, since open na rin naman ‘yung kabila na nagdi-date na.“Kaya sana, sana ma-approve na (annullment) para mas may freedom at peace of mind at kahit ano mang ties (sa dati niyang partner), e, maputol na,” dasal ni Sunshine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending