Mich Liggayu iniiyakan pa rin si Jam Sebastian | Bandera

Mich Liggayu iniiyakan pa rin si Jam Sebastian

Ambet Nabus |May 25,2015
facebook
share this

Mich Liggayu iniiyakan pa rin si Jam Sebastian

Ambet Nabus - May 25, 2015 - 02:00 AM

mitch liggayu

Speaking of which, naging impression din ng marami kay Mich Liggayu, ang YouTube sensation ng tandem na Jamich, na sinasamantala nito ang pagiging “in-demand” sa mga intriga after ng naging istorya nila ng yumaong BF.

“That’s unfair pero ganu’n po talaga siguro ang media at social media. Kahit noon pa man ay mayroon na akong mga planong ganito. In fact, under contract po ako sa Viva at noon pa sila nagtatanong ng project for me.

If this is what showbiz means, siguro naman po keri ko dahil may baon naman po akong talent at alam ko rin kung ano ang katotohanan,” paliwanag nito.

Nalulungkot daw siya sa patuloy na pamba-bash sa kanya at sa kanyang pamilya pero hanggang sa pagpapakatotoo lang daw ang kaya niyang gawin.

Umiiyak pa rin daw siya kapag napag-uusapan ang dating katipan na matagal din niyang nakasama at inakalang magiging partner for life, pero iba nga ang naging ending.

Sa Wattpad Presents How to Break Up with a Bad Boy, lehitimong pag-arte at pagiging aktres ang gagawin ni Mich at sana naman daw ay bigyan siya ng chance ng madlang pipol.

Every night itong mapapanood sa TV5, 9 p.m. bago mag-Baker King.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending