Naghahabol ang dating ka-live-in | Bandera

Naghahabol ang dating ka-live-in

Joseph Greenfield |May 25,2015
facebook
share this

Naghahabol ang dating ka-live-in

Joseph Greenfield - May 25, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Daisy Matabao, Buenavistya, Agusan del Norte

Dear Sir Greenfield,

May nakalive-in dati ang mister ko at nagka-anak sila ng isa, pero ng bandang huli nagkahiwalay din sila. Sa puntong iyon doon naman kami nagkakilala, niligawan nya ako at sinagot ko naman siya. Huli na ng malaman kong may anak pala siya sa dati niyang ka-live in. Ang problema naghahabol ang dating ka-live in ng mister ko at nagbanta na guguluhin daw po kami kapag hindi nya sinustentuhan ang kanilang anak na sa ngayon ay nasa pangangalaga ng dati nyang ka-live at 7 years old na. Itatanong ko lang kung may habol pa ba sa mister ko ang dati nyang ka-live in nya kahit hindi naman sila kasal? Natatakot akong baka nga totohanin ng babaing ito na idemanda kami, dahil naranasan ko na po ang magkaroon ng kaso dati ng masangkot sa isang krimen ang kapatid ko. Pakitingnan naman po kung ano ang mangyayari sa aking kapalaran lalo na family at love life? February 7, 1989 ang birthday ko at October 10, 1984 naman ang asawa ko.
Umaasa,
Daisy Agusan
del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Wala kang dapat ikatakot sapagkat iisa at maganda naman ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit anong paghahabol ang gawin ng dating ka-live in ng mister mo, kahit na magtutuwad pa siya at maglupasay sa karsada, hindi na niya makukuha o mahahabol pa ang mister na lehitimo at legal ka namang pinakasalan.

Cartomancy:

“Matatag na pagmamahalan” ang nais sabihin ng Seven of Hearts at Two of Hearts na una at ikalawang barahang lumabas (Illustration 1.). Habang ang King of Clubs ay nagsasabi namang ano’t-anoman ang mangyari at magaganap, hindi ka iiwanan ng kasalukuyan mong asawa at siguradong mananatili siyang tapat at ang pag-ibig nya ay wagas hanggang sa abutin kayo ng katandaan.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending