Ang asawa ko ang best candidate sa 2016 elections - Korina Sanchez | Bandera

Ang asawa ko ang best candidate sa 2016 elections – Korina Sanchez

|May 24,2015
facebook
share this

Ang asawa ko ang best candidate sa 2016 elections – Korina Sanchez

- May 24, 2015 - 07:17 PM

korina sanchez

 

KUNG si Korina Sanchez ang tatanungin kung sino ang pinaka karapat-dapat na maupo sa Malacanang sa susunod na taon, ito ay walang iba kundi ang kanyang mister na si Interior Secretary Mar Roxas.

Inihayag ito ni Korina sa Lapu-Lapu City noong Biyernes habang namigay ito ng mga tsinelas sa mga mahihirap na bata para i-celebrate ang kanilang ika-limang taon anibersaryo ng mister at ika-apat na taong anibersaryo naman ng kanyang programang “Rated K”.

Ayon kay Korina iaanunsyo ni Roxas ang kanyang political plan sa Hulyo.

Sinabi rin nito na walang mangyayaring “Roxas-Poe tandem” sa darating na halalan.

“I don’t think that there will be a Roxas-Poe tandem in the presidential elections,” ayon kay Korina.

“It has not been discussed during their meetings,” dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang posibilidad na maging running mate ng kanyang mister si Senador Grace Poe sa 2016 elections.

Una nang nagpahayag si Poe na mas komportable siyang maka-running mate ang kaibigan at kasamahan sa Senado na si Senador Chiz Escudero.

Naniniwala rin si Korina na ang mister lang niya ang may karanasan, katapatan, integridad at talino para pangunahan ang bansa sa susunod na anim na taon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending