Horoscope, May 24, 2015 | Bandera

Horoscope, May 24, 2015

Madam Sophia |May 24,2015
facebook
share this

Horoscope, May 24, 2015

Madam Sophia - May 24, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Birthday mo ngayon! Magusot ng kulay na red! Red na underwear at red na t-shirt. Sa ganyang paraan, mahihigop mo ang maraming pera at masarap na romansa. Mapalad ang 3, 12, 15, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Bukod sa red, ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Simple lang ang pormula upang lumigaya! Sundin ang tinitibok ng puso. Sa ganyang paraan sa pag-ibig at salapi magtatagumpay at magiging maligaya ka. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vai-Kuntha-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Dagdagan pang lalo ang mga pagsisipag upang lalong umunlad. Ganon din ang gawin sa pag-ibig, pagbutihin ang pakikipag-romansahan sa minamahal habang malakas pa ang inyong katawan. Darating ang panahong ang lahat ay lilipas at mabilis kang magkaka-edad. Mapalad ang 2, 7, 9, 25, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “I will live this day as if it is my last.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Hindi dapat mainip sa pagdating ng suwerte. Ang mahalaga magpakatino ka. Sa matino at mabuting pamumuhay ang salapi at maligayang pag-ibig ay kusang dumadatal. Mapalad ang 7, 16, 23, 31, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva-Om-Vedanta.” Maroon at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Kapag dumating na ang tag-ulan, umasa kang magsisimula na rin ang suwerte mo sa aspetong pang-materyal at sa aspetong pag-ibig. May malaking halaga ng salapi na darating at nakakikilig na romansa ang mabubuksan. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Red at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Kung patuloy kang tutulog-tulog, magiging tutulog-tulog din ang kapalaran. Araw-araw gumising ng maaga! Sa pinansyal, sa negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya uunlad ka. Sa pag-ibig, alagaang mabuti ang kasuyong Aries. Mapalad ang 6, 19, 28, 32, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Rama-Krisna.” Purple at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Wag ng isipin pa ang nakaraan! Maging masaya na sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal, simulan ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Red at apple green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Dagdag karangalan ang matatanggap! Hindi dapat tumigil, hangga’t bumubuhos ang suwerte tuluy-tuloy lang ang pagsisipag. Sa pag-ibig, nalulungkot ang kasuyong mapayat – makipag-kita ka sa kanya. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Namo-Name-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Kapag nabuo ang tiwala mo sa iyong sarili, tuluy-tuloy ka ng uunlad hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, i-enjoy mo lang ang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Katha-Om.” Red at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Dahil laging kapos sa pang-gastos, panahon na upang magtipid. Walang ibang solusyon upang umunlad kundi ang magsinop ng kabuhayan. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Aries na sumpungin. Mapalad ang 1, 19, 18, 23, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sukadeva-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Huwag ng singilin ang mga dating pautang, kunsumisyon lang ang aabutin mo sa kanila. Wag na lang silang pauutangin pang muli. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagtiwalaan – ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Veda-Om.” Orange at brown ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Upang hindi dapuan ng karamdaman, piliin ang mga pagkaing natural kaysa sa mga pagkaing may maaskad na kemikal. Sa pag-ibig, magpamasahe at magpahilot mamayang gabi sa kasuyong Gemini. Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Negosyong may kaugnayan sa prutas at likido ang dapat. Sa nasabing kalakal yayaman ka. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang Capricorn. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Govinda-Om.” Green at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending