Xian Lim buking, bait-baitan sa harap ng PRESS | Bandera

Xian Lim buking, bait-baitan sa harap ng PRESS

Ambet Nabus |May 24,2015
facebook
share this

Xian Lim buking, bait-baitan sa harap ng PRESS

Ambet Nabus - May 24, 2015 - 02:00 AM

xian lim

Ha-hahaha! Nakakaloka talaga ang mga kafatid natin sa panulat kapatid na Ervin. Kasi noong may nagtanong kay Xian Lim hinggil sa naging isyu nito sa Bicol (tumangging isuot ang t-shirt ng Albay) at kung paano niya itong “kineri” ay marami ang nag-udyok sa amin na mag-follow-up question.

Pero dahil naipangako na naming dedma na kami sa naging isyu niya noon bilang nasabi na rin namin sa maraming venues ang aming saloobin pati na ang pinaniniwalaan naming bersyon, feel naming wala ng saysay pa para humirit pa, di ba?

“Bait-baitan kasi teh, nakakasuya,” ang hirit ng mga katabi namin sa mesa during the time na sinasagot ni Xian ang tanong sa press presentation ng PEP List Year 2 kung saan siya ang itinanghal na FAB Male Star of the Year at Celebrity Pair of the Year with Kim Chiu.

Ganu’n talaga ang buhay. Ha-hahahaha! Kung gusto naming mang-intriga at magpahaba pa ng kuwento eh, baka nag-follow-up questions kami o di kaya’y kinunan ng bonggang reaksyon si Marian Rivera (another winner) na katabi ni Xian bilang siya ay buong pusong nagmalaki na tumanggap ng mga regalo, nagsuot ng t-shirt at nagpasaya ng mga kapwa-Bicolano ilang linggo matapos ang “infamous” encounter ni Xian doon.

‘Yun ang totoong pagkakaiba!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending