Horoscope, May 23, 2015 | Bandera

Horoscope, May 23, 2015

Madam Sophia |May 23,2015
facebook
share this

Horoscope, May 23, 2015

Madam Sophia - May 23, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, kung hindi magawang tanggihan ang pang-aabala ng mga kaibigan, kailangang pagkaperahan mo sila. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na relasyon sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 8, 15, 19, 23, 29, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Red at gray ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Sa pinansyal, kusang giginhawa ang kabuhayan pagpasok ng buwan ng Hulyo. Sa pag-ibig malaki ang magagawa ng kasuyo upang yumaman. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Om.” Blue at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Sa pinansyal, walang mangyayari sa tsismis, iukol ang oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat paniwalaan, upang ikaw ay su-wertehin – ang kasuyong chubby na medyo sexy. Mapalad ang 7, 19, 23, 34, 40 at 47. “Aum-Minna-Aum-Galla.” Yellow at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Sa pinansyal, habang nag-iisip ng masama sa iba, lalo ka lang mamalasin. Sa pag-ibig, kung hindi ka magiging tapat sa kasuyong Libra, posibleng gantihan ka rin niya. Mapalad ang 8, 18, 23, 31, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Green at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Isang Capricorn ang magpapautang ng malaking halaga. Sa pag-ibig, magiging magulo na naman ang relasyon dahil sa topaking kasuyo, habaan pa ang iyong pasensiya upang mapanatili ang kasalukuyang relasyon. Mapalad ang 4, 15, 23, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Aum-Githa.” Silver at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Sa pinansyal, ipakita sa kanila na mabubuhay ka kahit hindi mangutang, sa simpleng teknik na: “Operation malawakang pagtitipid!” Sa pag-ibig, wag magpaimpluwensya sa kasuyong bulaksak! Mapalad ang 8, 14, 23, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bisvivit-Quivit-Aum.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Mag-ingat sa isang kaibigang Leo, may babala na lolokohin ka na naman n’ya. Sa pag-ibig, iwasan makisawsaw sa mga relasyong imoral. Mapalad ang 5, 16, 23, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viribus-Candor.” Gray at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Balikan ang mga fairy tale na kuwento ng pag-ibig na iyong naranasan, ito ang magpapasigla ng iyong pakiramdam sa araw na ito. Sa pinansiyal, kung magnenegosyo ng may kaugnayan sa pagkain, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Yasoda-Om.” Violet at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa pagiging tapat, mas malaking pag-unlad ang makakamit. Sa pag-ibig, kapag pinaglilihiman mo ang kasuyo, hindi rin magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: Aum-Certum-Est-Om.” Beige at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Ang samaan ng loob ang magtutulak palayo sa salapi! Sa pagiging mahinahon at mapagpatawad, tuloy ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, wag awayin ang kasuyo sa maliit na pagkakamali. Mapalad ang 4, 13, 23, 39, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om”. Red at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – “Slowly but surely” ang dapat ipatupad upang umunlad. Sa pag-ibig, maging mahinahon sa pagkakamali ng kasuyo upang wag masira ang iniingatang relasyon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Violet at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pag-ibig, hanapin ang mga dating kaibigan  upang lumigaya! Sa pinansyal, higit na lalago ang kinikita kung muli kang lalabas ng bahay at makikiumpok sa mga sosyalan. Mapalad ang 4, 8, 17, 24, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Yellow at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Sa pinansiyal, walang ibang maasahan ang mga mahal sa buhay kundi ikaw, ipagpatuloy ang pag tulong ng bukal sa loob upang lalo kang pagpalain ng tadhana. Sa pag-ibig, balanseng pagtingin ang dapat sa kasuyo at sa iyong mga kadugo, para walang tampuhang maranasan. Mapalad ang 1, 8, 27, 33, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Maroon at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending