Kris, Bistek ipinagbawal ang bisita sa shooting para makapaglandian | Bandera

Kris, Bistek ipinagbawal ang bisita sa shooting para makapaglandian

Jobert Sucaldito |May 23,2015
facebook
share this

Kris, Bistek ipinagbawal ang bisita sa shooting para makapaglandian

Jobert Sucaldito - May 23, 2015 - 02:00 AM

herbert bautista

NAKAKATAWA ang kaibigan nating si Kris Aquino, ‘no? Nakakaaliw na nakakapraning ang mga statements niya. Talagang hindi nauubusan ng excuses or anik-anik ang Queen of All Media natin.

Imagine, sino ba ang mag-aakalang kaya pa palang buksan ang puso niya after ng masalimuot nilang short-lived affair ni Q.C. Mayor Herbert Bautista.

Hindi ba’t umabot pa sa paglayas ng mag-iina ni Mayor Bistek for a month sa States para lang makaiwas sa sama ng loob matapos mabuking ang relasyon ng kanyang long-time live in lover kay Kris.

Kailan ba umuwi sina Tates Gana (the mother of Bistek’s son) and anak nito? Matagal din silang nagbakasyon sa Amerika, remember? Pag-uwi rito, mga simple lang ang naging pahayag ni Tates pero dama mo ang hugot sa mga linya niya.

Simple ang mga patama niya sa dalawa lalo na kay Kris noon. Anyway, naglabasan ang mga isyung nakapaligid noon kina Kris and Bistek lalo na nang isa-isahin ni Kris ang mga kaganapan sa kaniyang blog when they were still on. Umabot pa nga sa marriage proposal di ba?

Ito ngayon ang mga nakakatawang mga eksena – bago pa man na-confirm na magsasama nga sila finally ni Bistek sa isang movie project tentatively entitled “Saving Forever For You” (na parang true to life din ang dating, mind you!) sa Star Cinema, nagtatalo kuno sila ni Bimby about it.

May mga kiyemeng sinasabi raw sa kaniya si Bimby na “he already broke your heart and for sure he’ll break your heart again” pero ang ending – pati si Bimby ay kasali pa sa pelikula. Ano iyon, pre-publicity para lalong maging interesante ang gagawin nilang movie?

And the funniest of Krissy’s statements ay nang sinabi niyang “we were never lovers”. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Nakakaloka na talaga itong si Tetay – after ng lahat-lahat, ng marriage proposals, ng pagdalaw-dalaw sa bahay niya kahit natutulog pa siya – sasabihin niyang they were after all never became lovers.

Susmaryosep! Is she joking? This time I must say that Kris is lying to high heavens! Kung hindi pala naging sila, ano yung mga nangyaring iyon? Baliw ka na ba, Tetay?

Mas nakakatawa pa nga raw si Kris sa maraming performers ng Klownz and Zirkoh comedy bars. Kasi nga, gusto niyang paniwalain ang taumbayan na never niyang naging boyfriend si Bistek.

Ano iyon? Nagpagamit lang siya kay Herbert para pag-usapan ang kaniyang political agenda? Ganoon na ba kababaw si Kris?
Hay naku! Nakakapagod na ring sumakay sa ganitong mga uri ng palabas.

Pati si Bimby ay nagamit pa sa kalokahan ng kaniyang ina. Meron pa silang pautot na mahigpit daw na ibinilin ni Bimby na no love scenes daw dapat ang mommy niya kay Herbert sa movie.

Wow ha – si Bimby pa yata ang nagdidirek ng pelikula. Kakaloka na ito!  Anyway, strictly no visitors daw sa set nila. O di sige. Baka ayaw lang nilang malaman ng mga tao ang mga gagawin nilang kalokohan while doing the movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para hindi makita ng mga tao ang mga landian nilang dalawa habang nasa set. Ha-hahaha!  “Saving Forever For You” – what a title! Bagay nga kina Kris and Bistek. Kung saan patutungo itong pagbabalikan nila, bahala na si Batman.

Bahala rin kayo kung paniniwalaan niyo pa rin si Kris when she says again na wala talagang nangyari sa kanila ni Bistek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending