Katrina: Nagbago lahat nang magka-baby na ako! | Bandera

Katrina: Nagbago lahat nang magka-baby na ako!

Ervin Santiago |May 23,2015
facebook
share this

Katrina: Nagbago lahat nang magka-baby na ako!

Ervin Santiago - May 23, 2015 - 02:00 AM

katrina halili

KAHIT na kontrabida ulit ang role ni Katrina Halili sa The Rich Man’s Daughter ay kitang-kita ang positive aura niya sa latest primetime series ng GMA.

Single man ngayon si Katrina, ang anak naman daw niya ang masasabi niyang dahilan ng maganda niyang disposisyon sa buhay. Sa katunayan nga raw, malaki raw ang pinagbago niya simula nang maging mommy na siya.

“Parang dati, kapag may work parang laro-laro lang lahat. Pero nu’ng nagkaanak ako parang, ‘Ooops, binigyan ka ng malaking responsibilidad. Kailangan tumanda ka na.’ Parang ganon,” sabi ng Kapuso actress.

“Nagkaroon ka ng direksyon, nagkaroon ka ng focus. Dati okay lang pag may work, kung wala, okay lang din. Pero ngayon gusto mo na mag-work nang mag-work kasi may pinaglalaanan ka,” dagdag pa niya.

At sa ngayon nga ay sobrang motivated si Katrina sa kanyang role sa The Rich Man’s Daughter bilang palabang ex-lover ni Glaiza de Castro na magpapahirap din sa karakter ni Rhian Ramos bilang bagong minamahal ng karakter ni Glaiza.

Napapanood ang The Rich Man’s Daughter pagkatapos ng Let The Love Begin sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Gloria Romero, Al Tantay, Mike Tan, Paolo Contis, Luis Alandy, Chynna Ortaleza at marami pang iba.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending