Sino ito? Aktres napahiya sa isang event, nag-walkout | Bandera

Sino ito? Aktres napahiya sa isang event, nag-walkout

Ambet Nabus |May 22,2015
facebook
share this

Sino ito? Aktres napahiya sa isang event, nag-walkout

Ambet Nabus - May 22, 2015 - 05:23 PM

Ay, totoo kaya ang tsismis na pinalabas lang diumano na napagod ang isang kilalang aktres pero ang totoo raw ay nag-walkout ito sa isang event kamakailan?

Ito rin daw ang ginawa ng kilalang-kilalang comedian-TV host na walang choice kundi ang umalis na lang dahil naiwan na ito sa stage.

Ganito ang tsika. Hindi raw kasi talaga kineri ni female celebrity na makita at marinig na hindi na siya kasing-init tulad ng dati.

Sa isang bonggang event nga mga ka-BANDERA kung saan nagsama-sama ang ilan sa mga pinakasikat na artista sa ngayon ay nagkunwari raw na pagod na si aktres kaya’t hindi na ito sasali sa “finale” number ng mga co-stars niya.

Noon daw kasing isa-isang nag-perform ang mga kasama niyang sikat na celebrities ay talagang masusukat mo ang popularidad nila base na rin sa mga hiyawan ng laksa-laksang fans na dumayo pa sa venue.

Talaga raw halos magka-gulo sa venue nang isa-isang sumalang sa stage ang mga kasamahan ni female celebrity, pero nang siya na nga ang pumagitnasa entabldo ay biglang bumaba ang energy level ng mga tao as if walang malaking artista sa harap nila.

As for the sikat na TV host-comedian, may mga nagsigawan at nagpalakpakan naman after his production number pero wala pa rin itong binatbat sa tilian with matching padyakan pa nang lu-mabas si kilalang matinee idol.

Kaya nu’ng mag-finale na nga ay nag-excuse na si female celebrity at ayaw nang lumabas uli dahil pagod na raw siya at nahihilo, habang ang gusto na rin sanang tsumugi na si TV host-comedian ay wala nang choice kundi ang mag-stay.

Kaya ang ginawa na lang nito ay mabilis na tinabihan ang pinakasikat na celebrity na kasama nila para magmukhang tinitilian din siya ng audience.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending