Titans giniba ang Warriors; Guardians dinurog ng Giants | Bandera

Titans giniba ang Warriors; Guardians dinurog ng Giants

Mike Lee |May 22,2015
facebook
share this

Titans giniba ang Warriors; Guardians dinurog ng Giants

Mike Lee - May 22, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro sa Lunes
(JCSGO Gym, Cubao, Quezon City)
1 p.m. MP Hotel vs Hapee
3 p.m. Cagayan vs Cebuana Lhuillier

Team Standings: *Cebuana Lhuillier (7-1); *Café France (7-2); xCagayan Valley (5-3); xHapee (5-3); Kera Mix (4-4); Jumbo Plastic (4-4); AMA University (4-5); Tanduay Light (3-5); MP Hotel (1-6);  Liver Marin (1-8)
* – semifinals
x – quarterfinals

MAGARANG pagtatapos ang ginawa ng AMA University nang daigin nila ang MP Hotel Warriors, 99-87, upang magkaroon pa ng hininga kung ang paghahabol ng puwesto sa quarterfinals sa 2015 PBA D-League Foundation Cup ang pag-uusapan.

Puno ng enerhiya na naglaro ang Titans para tapusin ang kampanya sa elimination kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City bitbit ang 4-5 baraha.

Sina James Martinez at Jeremy King ay nagtala ng 28 at 20 puntos habang double-double ang ginawa nina Dexter Maiquez (16-10) at JayR Taganas (10-12), para sa makinang na paglalaro ng koponang napahinga ng dalawang linggo.

“There is nothing we can do now but to wait. Anything can still happen and hopefully, our prayers will be answered,” wika ni AMA coach Mark Herrera.

Ginulpi rin ng Jumbo Plastic ang baguhang Liver Marin, 87-66, para lumapit sa isang laro upang pormal na umabante sa playoffs.

Ang mga off-the-bench players na sina Philip Paniamogan at Denise Villamor ay mayroong 23 at 16 puntos para sa Giants na umarangkada sa ikatlong yugto para itabla ang karta sa 4-4.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending