Kalat na: Jadine, Lizquen fans may masamang balak kina Kath at DJ | Bandera

Kalat na: Jadine, Lizquen fans may masamang balak kina Kath at DJ

Ambet Nabus |May 22,2015
facebook
share this

Kalat na: Jadine, Lizquen fans may masamang balak kina Kath at DJ

Ambet Nabus - May 22, 2015 - 03:00 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

How true kaya na this early mga ka-BANDERA ay mayroon ng “organized groups” ang ilang fan clubs na itinatapat sa KathNiel para lang magsilbing “watchdogs” or “critics” sa inaabangan na ngang Pangako Sa ‘Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayaw naming pangalanan o lagyan ng tag ang sinasabing mga grupo, though obvious namang ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) ang ilan sa mga ito na diumano’y may mga kiyaw-kiyaw pa rin sa kasikatan ng KathNiel.

May mga nag-aakusa namang fans diumano nina Enrique Gil at Liza Soberano na hindi daw matanggap na tinapos agad ang Forevermore para maipasok na ang serye ng KathNiel.

Whatever may the reason be, iisa lang ang nakikita namin dito…super sikat at labis ngang kinaiinggitan sina Kathryn at DJ na itinuturing ngayong pinakasikat na celebrity couple sa showbiz.

Basta kami, excited na sa pagganap nila bilang bagong Angelo at Yna sa PSY sa direksiyon nina Rory Quintos, Olivia Lamasan at Dado Lomibao na magsisimula nang umere sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa darating na Lunes, May 25.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending