JENNYLYN: Di ko pababayaan ang anak ko! | Bandera

JENNYLYN: Di ko pababayaan ang anak ko!

|July 02,2012
facebook
share this

JENNYLYN: Di ko pababayaan ang anak ko!

- July 02, 2012 - 04:16 PM

Kahit daw busy kay Luis at sa trabaho

Ipinagmamalaki ni Jennylyn Mercado na equally excited siya sa pag-aaral ngayon ng anak na si Alex Jazz.

Regular school na nga ang pinapasukan ng bagets at gaya ng ibang parents na super busy sa work, sinisikap daw ni Jen na maging isang supportive na ina.

“Kahit puyat-puyatan ang ateh mo, basta kaya kong gumising para masabayan sa breakfast ang anak at ayusin ang gamit para sa school, ako talaga ang gumagawa,” pagmamalaki ni Jen sa amin.

Siya raw talaga ang nag-aadjust ng iskedyul niya kaya sa bago niyang pinagbibidahang afternoon soap sa GMA 7, ang Hindi Ka Na Mag-Iisa, “May pakiusap ako na kahit twice a week ay ako mismo ang mag-aasikaso sa anak ko.”

Obvious namang hindi nga nag-iisa si Jen ngayon dahil bukod sa na-rediscover nitong husay sa pagho-host, e, wala rin siyang masabi sa very smooth-sailing relationship niya sa ampon naming si Luis Manzano.“Totoo iyan. Hindi talaga ako nag-iisa. Nandiyan ang anak ko, nandiyan si Luis, nandiyan si Mama.

Magrereklamo ka pa ba? Nandiyan pa kayo,” ang masaya nitong tsika sa amin during the presscon of her new soap.

Tungkol naman kay Patrick Garcia, ang ama ni Alex Jazz,  sa kanyang Mommy Lydia na raw nakikipag-usap ang aktor tungkol sa bata, “Sila ang mas madalas na magka-text at magkausap tungkol kay Jazz and I think that’s even healthier,” hirit pa ni Jen.

Sa Hindi Ka Na Mag-Iisa, naiibang Jennylyn ang makikita ng mga manonood bilang si Elisa na isang babaeng hinubog ng tadhana na takot na takot magmahal.

Kasama niya rito sina Kristal Reyes, Sid Lucero, Angelu de Leon, Carl Guevarra, Saab Magalona, Joey Paras at Frank Magalona.

Magsisimula na ito ngayong hapon after Eat Bulaga sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending