JENNYLYN pinagbawalan ni LUIS na makipag-usap kay PATRICK? | Bandera

JENNYLYN pinagbawalan ni LUIS na makipag-usap kay PATRICK?

|June 30,2012
facebook
share this

JENNYLYN pinagbawalan ni LUIS na makipag-usap kay PATRICK?

- June 30, 2012 - 04:21 PM

Kaya laging ang nanay lang niya ang ka-text

HINDI na raw nag-uusap o nagpapalitan man lang ng text sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia kaya marami ang nagtatanong kung totoong pinagbawalan siya ni Luis Manzano na makipag-ugnayan pa sa tatay ng kanyang anak na si Alex Jazz.

Ayon kay Jennylyn matagal na raw silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Patrick, nabawasan na rin daw ang oras nito para sa kanilang anak.

Kung noon daw ay regular itong nakikipagkita kay Alex Jazz, medyo dumalang na raw ‘yun ngayon.

At kung noon ay si Patrick ang laging sumusundo sa bagets, ngayon daw ay talagang naglalaan ng oras si Jen para matutukan ang pag-aaral ng kanilang anak.

“Baka busy po siya. pero pumupunta naman po siya sa bahay every once in a while, ‘yun po.

Hindi ko kasi alam ang schedule niya, e, baka busy lang talaga siya,” ang chika ni Jennylyn sa presscon ng bagong afternoon series niya sa GMA, ang Hindi Ka Na Mag-Iisa na magsisimula na sa July 9.“Hindi po siya nagti-text sa akin. Pero sa mom ko na siya nagti-text.

Pero no, hindi bawal, ha! Choice niya ‘yun na kay Mama na siya nagti-text, hindi sa akin,” depensa pa ng Kapuso actress.

At dahil balik-eskuwela na si Alex Jazz, super effort daw si Jen sa pag-aayos ng kanyang schedule, “Ang ginagawa ko, dalawa na ang driver ko.

At saka thankful ako kasi nandiyan ang mom ko.

Siyempre, hindi ko naman mapagkakatiwala si Jazz sa kahit kanino lang.

Siyempre, mas maganda yung meron kang kadugo o kapamilya rin na mag-aalaga kay Jazz.

Speaking of Luis, okay na raw ang TV host-actor sabi ni Jennylyn matapos itong maospital recently, “Okay naman po. Acid reflux lang naman.

Hinanap lang talaga namin ang cause ng paninikip ng dibdib niya.

After ng lahat ng tests, yun lang.

“Si Luis naman, sinisiguro naman niya na nakakapagpahinga siya.

At yun, rest talaga ‘yun. Yung taong yun, workaholic siya, pero pagdating sa rest, rest talaga,” kuwento pa ni Jen.

At siyempre, sinisiguro rin daw nila na sa kabila ng kanyang busy schedule ay may time pa rin sila sa isa’t isa, “Sinisigurado namin na may date night.

Na kakain kami sa labas, nood ng sine. At least once a week, kakain, manonood ng sine, magmu-mall.”

Anyway, super excited na nga ang fans ni Jennylyn dahil muli na nilang mapapanood sa isang teleserye ang aktres.

Matagal-tagal din kasing namahinga sa paggawa ng soap si Jennylyn kaya naman sabik na sabik na ang kanyang supporters.

Base sa trailer ng Hindi Ka Na Mag-Iisa, tiyak na walang patumanggang dramahan at iyakan na naman ang inyong tututukan sa bagong seryeng ito ng GMA sa Afternoon Prime.

Kuwento ito ng isang batang nawalay sa kanyang magulang na daraan sa napakaraming pagsubok sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama ni Jen sa Hindi Ka Na Mag-Iisa bilang bago niyang ka-loveteam si Sid Lucero, Angelu de Leon, ang magkapatid na sina Saab at Frank Magalona, Crystal Reyes at Liza Lorena, sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending