Ang seaman BF na ba ang makakatuluyan? | Bandera

Ang seaman BF na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield |May 07,2015
facebook
share this

Ang seaman BF na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - May 07, 2015 - 02:21 PM

Sulat mula kay Carla  ng Catalunan, Grande, Davao City

Dear Sir Greeenfield,

May boyfriend ako sa ngayon isa siyang seaman. Mag two-two years na ang relasyon namin, at sabi nya sa akin pagbaba nya raw ng barko gusto nyang magpakasal na kami. Ang ganda ng mga pangako nya para sa future namin, kapag kasal na raw kami magiipon siya ng maraming-maraming pera para makapagpagawa raw kami ng dream house nya na malapit sa beach. Kaya naisipan ko pong sumangguni sa inyo, gusto kong malaman kung sakaling magpapakasal ako sa kanya, susuwertehin kaya ang itatayo naming pamilya? At sa nakikita nyo sa aking palad at sa aming mga birthday siya na kaya ang makakatuluyan ko? March 28, 1982 ang birthday ng boyfriend kong seaman at November 25, 1991 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Carla ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang seryoso at totohanang boyfriend mo, tiyak ang magaganap, siya rin ang ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.

Cartomancy:

Queen of Clubs, Six of Diamonds at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing susuwertehin ka sa pag-aasawa, kung ang nasabing pag-aasawa o pagpapakasal ay gaganapin sa susunod na taong 2016.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending