Horoscope, May 07, 2015 | Bandera

Horoscope, May 07, 2015

Madam Sophia |May 07,2015
facebook
share this

Horoscope, May 07, 2015

Madam Sophia - May 07, 2015 - 02:18 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Lubos na pinagpala ang araw na ito. Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon may mabubuong nakakikilig na relasyon. Sa pinansiyal sa tulong ng isang Virgo dagdag na salapi ang matatangap. Mapalad ang 5, 19, 26, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Panatiliin ang pagiging kampante. Iwasang makipagtalo upang hindi masira ang araw mo. Sa pag-big pagpasensiyahan ang kasuyong immature. Kung mananatiling payapa ang isipan, mas maraming biyaya ang darating. Mapalad ang 6, 12, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Namah-Om-Namo.” Indigo at blue ang buenas na kulay.

Taurus – (April 20-May 20)—Isang kakilala ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa isang pagtitipon, habang abalang-abala ang lahat may magaganap na palihim ngunit nakakikilig na romansa. Mapalad ang 2, 16, 29, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera, upang magamit sa naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, tuloy parin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Gray at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag magtiwala sa mga kasama. Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Sa pag-ibig, upang wag mapahamak walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang minamahal. Mapalad ang 5, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Tama ang naisip mong mag-iba ng kapaligiran. Mag-iba ka na rin ng pirma, lakihan ang letra ng iyong signature. Sa malawakang pagbabago, higit kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Mag-ingat sa isang taong matigas ang buhok, pandak na mataba lalo na kung siya ay isang Leo – siya ang maaaring dumaya saiyo. Sa pag-ibig, panatiliin ang pagtitiwala sa kasuyong slim lang ang pangangatawan. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Silver at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Ang likas mong kagandahan ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran. Panatiliin ang pagpapa-sexy at magandang katawan. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 1, 10, 28, 31, 40 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam-Om.” Red at pink at buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Tanggapin ang alok ng isang kaibigan sa malayong lugar, panahon na upang maglakbay. Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tibok ng puso. Aangat ang graph ng pag-unlad kung lalayo muna sa sinilangang bayan. Mapalad ang 2, 7, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Om” Pink at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag ng magpabago-bago ng ka-relasyon, isipin mong nagkaka-edad ka na. Manatili sa kasalukuyang kasuyo walang perpektong nilalang kaya wala ring perpektong relasyon. Sa pinansiyal, sa proudktong niluluto at ginagamitan ng apoy uunlad. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Japa-Om.” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Tama ang desisyon mong dispatsahin na ang mga taong walang kuwenta, nakakagulo lang sila sa buhay mo. Kapag nawala na ang mga taong walang kuwenta, kusa ng gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 4, 8, 26, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yama-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Pasalamatan ang mga biyayang dumarating! Habang nagpapasalamat at tumutulong sa mga mga ngangailangan, lalo kang pagpapalain ni Lord. Sa pag-ibig, sa isang charitable work, makakasumpong ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Brown at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Isang dating kaibigan ang magte-text. Sa susunod na mga araw magkakapera ka ng malaking halaga. Tanggap lang ng tanggap ng mga biyayang dumarating. Sa pag-ibig ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-masarap. Mapalad ang 4, 18, 33, 41, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om”. Black and white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending