Esteban 5 beses binasag ang Palaro triple jump record | Bandera

Esteban 5 beses binasag ang Palaro triple jump record

Mike Lee |May 07,2015
facebook
share this

Esteban 5 beses binasag ang Palaro triple jump record

Mike Lee - May 07, 2015 - 01:00 AM

SA kanyang huling taon sa Palarong Pambansa ay naitala ni Martin James Esteban ng Central Luzon ang masasabing pinakamatinding performance sa athletics na nakita sa mga nagdaang edisyon.

Limang beses na binasag ng 16-anyos tubong San Ildefonso, Pampanga ang record sa secondary boy’s triple jump upang matagumpay na maidepensa ang hawak na titulo na nagbigay ng ningning sa athletics competition ng 2015 Palarong Pambansa kahapon sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City.

“Ibinigay ko po talaga ang best ko dahil gusto ko pong makilala ang aking region at bigyan ng kasiyahaan ang paaralan ko at mga kababayan ko.

Bukod po ito sa kagustuhan kong makasama sa 7th ASEAN Schools Games sa Brunei sa November,” wika ni Esteban na may 15.01 metrong marka sa ikalimang attempt tungo sa gintong medalya.

Ang dating record ay 14.44m na ginawa ng ngayon ay nasa national pool na si Harry Diones noong 2010 sa Bicol.Sa unang talon pa lamang ni Esteban at ibinaon na niya ang marka sa 14.54m.

Nasundan ito ng 14.65m, 14.66m at 14.68m marka bago tinapos ang event sa 14.60m sa huling attempt para sa dominanteng pagpapakita ng galing sa kompetisyong naisagawa sa rehiyon dahil sa suporta ni Governor Rodolfo Del Rosario katuwang ang Tagum Agricultural Development Company Company Inc. (TADECO), Damosa Land, Davao Packaging Corporation (DPC), Davao International Container Terminal, Inc. (DICT) and Pearl Farm Beach Resort.

Nagpasikab din ang 13-anyos archer ng Dumaguete na si Nicole Marie Tagle habang ang host Davao ay kumulekta ng dalawang ginto sa tennis upang makihati sa atensyon na nakatuon sa nagdedepensang overall champion National Capital Region na patuloy ang pagkolekta ng gintong medalya.

Ang 5-foot na si Tagle ay kampeon sa 30m at 60m distances sa 330 at 297 marka para magkaroon agad ng bunga ang paglahok sa Palaro sa kauna-unahang pagkakataon.

“11 months pa lang po ako na nasa archery at ito po ang unang national competition ko. Lagi lang po sinasabi sa akin na maging relax lang,” sabi ni Tagle.

May dalawang ginto rin si Loren Chloe Balaoing ng Cordillera Autonomous Region (CAR) sa 40m (312) at 50m (322) distances habang si Anatacio Pellicer III ng Central Luzon ang nagdomina sa 30m (349) at 40m (328) distances sa secondary boys.

Umapaw ang saya sa mga tagasuporta ng Region X1 dahil sa panalo ng secondary boys at girls team sa lawn tennis.
Nagbalik ang 2014 Laguna Palaro MVP Shaira Hope Rivera para makipagtulungan kina Danna Mariella Abad, Nicole Ann Bautista at Rachel Patricia Velez na winalis ang apat na laro.

Ang ginto ay nakuha ng Davao sa 2-0 sweep laban sa MIMAROPA region. Sina Christian Fel Lopez, Jaffary Cariga, Jomari Justin Guira at Elwin Centillas ang nagtulong para talunin ang Central Visayas sa finals, 2-0, tungo sa 4-0 sweep.

Ang ginto ang nagbangon sa Davao mula sa bronze medal noong 2014. Patuloy naman ang pamamayagpag ng NCR na mayroon nang 21 ginto, 21 pilak at 12 bronze medals.

Pitong ginto ang kinubra ng NCR tankers sa unang araw ng pool events na kinatampukan ng dalawang bagong Palaro records, habang tatlo ang galing sa taekwondo at isa ang hatid ng badminton.

Ang Most Bemedalled tanker ng 2014 na si Maurice Sacho Ilustre ay kumubra ng dalawang ginto, ang isa ay sa 200m butterfly at dalawang beses niyang binasag ang dating record na 2:09.98 na ginawa noong 1998 tungo sa 2:07.28 bagong marka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending