JM tuluyan nang nilayuan nina Dominic at Felix Roco | Bandera

JM tuluyan nang nilayuan nina Dominic at Felix Roco

Ervin Santiago |May 07,2015
facebook
share this

JM tuluyan nang nilayuan nina Dominic at Felix Roco

Ervin Santiago - May 07, 2015 - 02:00 AM

jm de guzman

DIRETSONG inamin ng Kapuso actor na si Dominic Roco na siya na ang umiwas sa dating kaibigang si JM de Guzman para matigil na ang mga malilisyosong isyu tungkol sa kanila.

Si Dominic at ang kakambal nitong si Felix Roco ang sinisisi ng kampo ni JM kaya napariwara ang buhay nito hanggang sa malulong sa droga, pero ilang ulit nang pinabulaanan ito ng magkapatid.

Ayon kay Dominic nang makausap namin sa presscon ng bagong afternoon series ng GMA na Healing Hearts starring Joyce Ching and Kristoffer Martin, simula nang pumasok hanggang sa makalabas na ng rehab si JM ay hindi na sila nagkita at nagkausap.

Kahit daw ngayong nakabalik na sa showbiz ang binata ay wala pa rin silang communication. Pero aniya, maligaya siya para sa dating kaibigan lalo na’t sunud-sunod na uli ang mga proyekto ng boyfriend ni Jessy Mendiola, “Good for him,” ang sey ni Dominic.

Inamin ng aktor na talagang nasaktan siya sa mga akusasyon na kaya nalulong sa drugs si JM ay dahil sa kanila ni Felix, at para matapos na ang issue ay nagdesisyon silang magkapatid na layuan na lang ang kanilang kaibigan.

“Yeah, kami na rin ang lumayo. We thought it would be best if we wouldn’t be magkasama. Kasi, every time na magsama kami, nothing good comes out.

Everyone thinks na we’re such a bad influence. And it’s not just with JM, it happened to me numerous times already,” paliwanag ni Dominic.

“So, we made a decision that it’s best for all of us not to see each other para wala nang masabi ang kung sinuman, which destroyed the friendship,” dagdag pa ng binata.

Pero sey ni Dominic, nag-e-effort naman daw si JM para maayos uli ang relasyon nila, pero para raw sa ikatatahimik ng lahat, huwag na raw muna.

Ano’ng pakiramdam niya sa nasirang friendship nila ni JM, “Siyempre, nanghinayang. Ever since naman, ang tagal-tagal kong sinasabi na I look up to JM, lalo na sa pag-arte niya.

Sila JM naman talaga ang dahilan kung bakit ako nag-indie. Sila ang nagbukas ng pintuan sa akin. So, JM would be a big part of my life, mostly of my career.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano’ng gagawin niya kung sakaling magkita sila uli ni JM? “I don’t know…‘pag nagkita kami, where do we start? I don’t know, e. Hindi naman dedmahan but it won’t be like before, that’s for sure.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending