Janitor nagwagi ng P14.7M jackpot sa Mega Lotto 6/45 | Bandera

Janitor nagwagi ng P14.7M jackpot sa Mega Lotto 6/45

|May 06,2015
facebook
share this

Janitor nagwagi ng P14.7M jackpot sa Mega Lotto 6/45

- May 06, 2015 - 04:43 PM

lotto 6-45
NAGWAGI ang isang janitor sa Davao City ng P14.7 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45.
Sinabi ng 30-taong-gulang na tatay na sa loob ng isang dekada, tinitiyak niyang nagtitira siya ng panaya sa lotto.
Nasolo ng janitor ang jackpot para sa draw ng Mega Lotto noong Abril 29 matapos niyang tayaan ang mga numero na 20-05-42-14-12-24.
Inuwi niya ang kabuuang P14,705,448, ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chair and General Manager Jose Ferdinand Rojas II.
Sinabi ng janitor na nakatakda na siyang magretiro bilang janitor at bibili na lamang siya ng jeepney, na kanyang ibibiyahe o paparentahan.
Balak din ng janitor na bumili ng bahay at lupa para sa kanyang pamilya at magbukas ng isang maliit na grocery na pamamahalaanan ng kanyang asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending