PNoy hindi galit sa nanay ni Mary Jane Veloso | Bandera

PNoy hindi galit sa nanay ni Mary Jane Veloso

Bella Cariaso |May 06,2015
facebook
share this

PNoy hindi galit sa nanay ni Mary Jane Veloso

Bella Cariaso - May 06, 2015 - 03:12 PM

celia veloso

SINABI kahapon ng Palasyo na hindi galit si Pangulong Aquino sa nanay ni Mary Jane Veloso na si Celia sa kabila ng naging pahayag nito laban sa pangulo.

Sa isang panayam, idinagdag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na naiintindihan ni Aquino ang nararamdaman ng nanay ni Mary Jane at iba pang kapamilyan ito.

“Hindi po (hindi galit) Wala pong ganoong pakiramdam ang ating Pangulo,” sabi ni Coloma. Iginiit naman ni Coloma na tuloy pa rin ang pagtulong ng gobyerno kay Mary Jane sa kabila naman ng naging pahayag ni Celia.

“Sa Pangulo po naman ay nandoon po iyong unawa po niya, iyong patuloy pa rin na pag-reach out, ano. Dahil katulad nga po ng kanyang pahayag, mahalaga po ang buhay ni Mary Jane Veloso, mahalaga ang buhay ng bawat Pilipino, at bilang Ama ng Bayan ginagawa niya ang nararapat para matulungan po si Mary Jane at ang mga manggagawang Pilipino.

Iyon lang naman po.Ito’y sa harap naman ng pahayag ni Celia na hindi siya magso-sori kay Aquino hanggang hindi napapauwi ang kanyang anak na si Mary Jane sa Pilipinas.

“Hindi po muna siguro,” sabi ni Celia sa kaparehong panayam. Nauna nang nagsalita si Celia laban kay Aquino kung saan sinabi niyang maraming sisingilin ang pamilya niya laban sa gobyerno.

“Sa dinanas po namin na hirap at limang taon po kami talagang…nakulong po si Mary Jane ng limang taon, buong pamilya po nakulong ng limang taon. Tulad po ngayon, binigyan po ng pagkakataon na madugtungan ang buhay ng aking anak.

Sana gawin po ng Presidente natin yong aksyon para po talagang makauwi na po si Mary Jane. At kung magagawa po niya iyon, eh tuluyan na po namin siya sigurong mapapatawad sa mga pagkukulang po niya,” dagdag pa ni Celia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending