Gerald hiyang-hiya kay Janice: Nanay ko yun...walang malisya! | Bandera

Gerald hiyang-hiya kay Janice: Nanay ko yun…walang malisya!

Ervin Santiago |May 05,2015
facebook
share this

Gerald hiyang-hiya kay Janice: Nanay ko yun…walang malisya!

Ervin Santiago - May 05, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

HIYANG-HIYA si Gerald Anderson kay Janice de Belen at sa pamilya nito matapos ituro na siyang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay sila ni Maja Salvador.

Ayon sa lead star ng Primetime Bida series na Nathaniel ng ABS-CBN, walang kinalaman si Janice sa break-up nila ni Maja at isang walang kuwentang balita raw ang kumalat na isyu sa kanila ng sister ni Gelli de Belen.

“Hindi ko nga alam kung papatulan pa ‘yan. Nakakahiya sa pamilya ni ate Janice. Tinext ko nga siya. Tinanong ko kung okay lang sila kasi napakawalang kwenta naman ng (istorya na ‘yan).

Sana tigilan na kasi nakakahiya sa ibang tao,” pakiusap ni Gerald sa interview ng ABS-CBN. Ayon pa sa hunk actor, totoong close sila ni Janice dahil ilang beses na rin silang nagkasama sa trabaho.

Nanay na rin daw ang turing niya rito tulad ng naging mga karakter nila sa seryeng Budoy. “Ako na lang ang i-bash, huwag na madamay yung ibang tao. Okay pa rin naman kami despite this, siyempre nanay ko ‘yun,” sey pa ng binata.

Sey pa ni Gerald, hindi na muna niya bibigyan ng priority ang kanyang lovelife, mas gusto niyang mag-concentrate sa trabaho, lalo na sa bago niyang serye, ang Nathaniel nga kasama sina Shaina Magdayao at Coney Reyes.

“Happy ako. Halos lahat happy din. Itong taon na ‘to. Puro trabaho, puro pamilya ko at sarili ko ang focus ko this year. Magpapahinga muna (ang puso ko),” aniya pa.

Sa ngayon naaadik daw si Gerald sa iba’t ibang uri ng sports, “Ewan ko kung napapansin niyo sa Instagram ko pero wala akong ginagawa kundi mag-work out or mag-basketball.

‘Yung sports at ‘yung trabaho, ang makapagpasaya ng tao gaya ng Nathaniel, yun lang ang iniisip ko ngayon, ‘yun lang ang focus ko.”

Tinanong din ang aktor kung totoong okay pa rin sila ni Maja matapos silang maghiwalay, “Siyempre naman. Hindi naman po biro ang pinagdaanan namin. As long as nandoon ang respeto namin.”

Samantala, paganda na nang paganda ang takbo ng kuwento ng Nathaniel kaya naman patuloy na tumataas ang rating nito. Bukod kasi sa magagandang aral na napupulot ng viewers sa bawat episode ng programa ay bilib na bilib din ang madlang pipol sa galing ng mga artista sa serye.

At mas marami pa kayong dapat abangan na mga revelation sa Nathaniel sa mga susunod na tagpo lalo na ngayong malapit na uling “mabuo” ang pamilya ng batang anghel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong linggo rin magtatagpo ang karakter ni Nathaniel at ni Shaina bilang nanay niya.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending