Kris sa sobrang kapayatan: Wala akong malalang sakit! | Bandera

Kris sa sobrang kapayatan: Wala akong malalang sakit!

Ervin Santiago |May 05,2015
facebook
share this

Kris sa sobrang kapayatan: Wala akong malalang sakit!

Ervin Santiago - May 05, 2015 - 02:00 AM

kris bernal

Kahit napipikon at nabubwisit na sa mga bashers niya sa social media na nagsasabing meron daw siyang malalang sakit kaya ang payat-payat niya ay dedma na lang si Kris Bernal.

Nakachika namin ang Kapuso actress kamakailan sa ginanap na Kapuso Night sa Dagupan, Pangasinan kung saan naging special guest siya sa selebrasyon ng Bangus Festival kasama sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

At dito nga inamin ni Kris na hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang tigilan ng mga basher, “Sinasabi nila I’m sick, anorexic daw ako, buto’t balat na at kung anu-ano pa.

E, ganito talaga ang katawan ko, hindi talaga ako tumataba nang bonggang-bongga!” Ngayon ay talagang nag-e-effort si Kris na magkalaman kahit kaunti, “Nagwo-workout ako ngayon para sa hips ko, sa shoulders, pati sa butt para mas maging confident ako sa body ko.

Na kahit anong ipagawa sa akin, kahit magpakita ng kaunting skin, keri kong gawin, di ba?” Nakiusap din si Kris na sana’y tigilan na ang pagtawag sa kanya ng anorexic. “Don’t judge me right away.

You don’t get to be with me every day. I tell you I eat everything. I love rice too much. I’m lucky that I don’t get fat, but actually I don’t find it attractive, kaya nga gumagawa ako ng paraan para mas maging firm ang katawan ko.”

Actually, talagang payatin si Kris simula pa noong nasa Starstruck siya, medyo tumaba lang siya nang kaunti ngayon dahil napahinga nga siya sa paggawa ng serye. Matagal na rin kasing natapos ang soap nila ni Dennis na Hiram Na Alaala sa GMA.

Anyway, napatunayan namin na ang dami-dami pala talagang fans ni Kris sa Pangasinan dahil talagang tinilian at pinagkaguluhan din siya sa ginanap na Kapuso Night sa Dagupan kamakailan.

Dito niya rin ibinalita na very soon ay magkakaroon na uli siya ng bagong serye at sana raw ay matukloy din ang reunion project nila ni Aljur Abrenica sa GMA 7.

Pero habang hinihintay ang pagsisimula ng kanyang bagong teleserye, magiging bahagi muna siya ng bagong season ng Starstruck 2015 kung saan magiging co-host siya nina Dingdong Dantes at Megan Young.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending