Pia Wurtzbach sa pagkatalo ni Manny: Babawi tayo sa Miss Universe! | Bandera

Pia Wurtzbach sa pagkatalo ni Manny: Babawi tayo sa Miss Universe!

Ervin Santiago |May 05,2015
facebook
share this

Pia Wurtzbach sa pagkatalo ni Manny: Babawi tayo sa Miss Universe!

Ervin Santiago - May 05, 2015 - 02:00 AM

pia wartback

Puro batikos at pang-ookray naman ang napala ng babaeng nali-link ngayon kay Pangulong Noynoy Aquino na si Miss Universe-Philippines 2015 Pia Wurtzbach dahil sa komentong ipinost nito sa Twitter matapos matalo si Pacman sa laban nila ni Mayweather.

“Kalma lang guys. Ako bahala. Babawi tayo sa Miss Universe!!!” ang may yabang na tweet ni Pia na hindi nga nagustuhan ng ilang netizens dahil feeling nila ay nagyabang agad ang dalaga sa paglaban nito sa Miss Universe.

Ayon sa ilang bashers ni Pia, huwag daw siyang masyadong maging overconfident dahil baka ito ang ikatalo niya. Hindi raw dapat ganyan ang attitude ng tunay na beauty queen.

May nagsabi pa nga na kung hindi pa siya paulit-ulit na sumali sa Binibining Pilipinas ay baka hindi pa siya nanalo, pasalamat daw siya at naawa na sa kanya ang organizers ng nasabing beauty pageant at pinanalo na siya.

Sa nabasa naming mga post ni Pia sa Twitter, matapang niyang sinagot ang ilang followers na kumontra sa naging komento niya sa laban ni Pacman, aniya, wala naman daw siyang masamang intensiyon sa sinabi niya at aniya, pinaghirapan niya nang bonggang-bongga ang koronang nakaputong ngayon sa kanyang ulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending