Mommy Dionisia kay Pacman: Magretiro na siya! | Bandera

Mommy Dionisia kay Pacman: Magretiro na siya!

Ervin Santiago |May 05,2015
facebook
share this

Mommy Dionisia kay Pacman: Magretiro na siya!

Ervin Santiago - May 05, 2015 - 02:00 AM

mommy dionisia

DAPAT nang magretiro si Manny Pacquiao sa pagboboksing. Ito ang payo ng kanyang inang si Mommy Dionisia matapos nang matalo ni Floyd Mayweather sa naging sagupaan nila sa Las Vegas noong Linggo ng hapon.

Ayon kay Mommy D, kinausap na rin siya ng coach ni Pacman na sabihan na ang anak na tumigil na sa pagboboksing. Sa interview ng ABS-CBN sinabi ni Mommy Dionisia na, “Para sa akin, retiro na siya.”

Sa simula pa lang daw ay alam na ng ina ni Pacquiao na gagawa at gagawa ng paraan si Mayweather para siya ang manalo sa laban, na aniya’y wala namang ginawa sa ring kundi ang yumakap sa kanyang anak at tumakbo nang tumakbo.

“Alam ko na hindi sila papayag matalo. Ganyan ang ugali nila. Ang ginawa ni Mayweather, runner. Parang daga siya,” sey ni Mommy D sa nasabing panayam.

Pero tulad din ng sinasabi ng halos lahat ng mga Pinoy, sa puso niya ay si Pacman pa rin ang nanalo sa laban.“Ang lahat ng mga kapwa Pilipino, kahit hindi Pilipino, narinig ko sabi ‘Ikaw pa rin, Manny.’ May Mexicano din na kumausap sa amin na si Manny pa rin ang kampyon nila,” ani Mommy D.

Hirit pa nito, “Relaks lang kayong mga Pinoy at sa mga umiidolo sa anak ko. Natalo man ang ating boxer sa ring, sa puso ninyo, hindi pa talo. Sa puso natin hindi siya talo. Mahal na mahal natin siya. Siya ang panalo sa taas.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending