Mayweather ninakawan si Pacman | Bandera

Mayweather ninakawan si Pacman

Cristy Fermin |May 05,2015
facebook
share this

Mayweather ninakawan si Pacman

Cristy Fermin - May 05, 2015 - 02:00 AM

manny pacman

Hanggang ngayon, kahit saan ka magpunta, ay ang pagkaunsiyami ng ating mga kababayan ang maririnig mo dahil sa resulta ng salpukang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas.

Pakiramdam ng buong sambayanang Pilipino ngayon ay ninakawan ng titulo si Pacman, lutong-luto ang laban dahil sa kabila ng mga pamatay niyang suntok ay si Mayweather pa rin ang nanalo, galit ang mga Pinoy sa naging desisyon ng mga hurado.

Binu-boo si Mayweather. Naturingang sa Amerika ang laban na bansa nito, pero ang mismong mga kalahi ng boksingero ay hindi kampi sa kanya, masyado nga naman kasing mayabang at arogante si Mayweather.

Ang nakakalungkot lang ay ‘yung boksingero pang takbo lang nang takbo at yakap nang yakap ang tinanghal na kampeon. Ano kaya ang akala ni Mayweather, Fun Run ang kanyang sinalihan, karera ng takbuhan?

Mismong ang Pambansang Kamao ay nagulantang sa naging resulta, “I got him, many solid punches, I thought I won!” Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na sa kabila ng mga ipinakita niyang kabangisan sa lona ay uuwi pala siyang luhaan?

Maging sa MGM Grand ay ganu’n ang naging reaksiyon ng manonood, bakit si Mayweather, samantalang takbo lang naman ito nang takbo at yakap nang yakap kay Pacman?

“Mga kapamilya lang ni Mayweather ang masaya, saka ang mga pumusta kay Mayweather,” dismayadong reaksiyon ni Colonel Jude Estrada.

Mimso!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending