Horoscope, May 05, 2015 | Bandera

Horoscope, May 05, 2015

Madam Sophia |May 05,2015
facebook
share this

Horoscope, May 05, 2015

Madam Sophia - May 05, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lunes ngayon! Magsuot ng kulay red na damit upang suwertehin ka sa salapi at pag-ibig. Sa isang lugar na malapit sa nature okey mag-swimming. Kapag nakapag-relaks, mas maraming magandang kapalarang darating. Mapalad ang 8, 14, 27, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Me-Om.” Red at gray ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Umpisahan nang pasunurin ang mga taong nasa paligid mo. Kapag nagawa mo yan, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, piliting “underin” ang kasuyo, upang hindi makagawa ng kalokohan. Mapalad ang 3, 6, 12, 28, 37 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kale-Varam-Tam-Om.” Pink at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Matutong magpasalamat sa mga biyayang natatangap. Bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay, kahit maliit ang kinita, pilitin pa ring makapag-savings. Mapalad ang 9, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: Om-Mani-Padme-Hum”. Maroon at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Mapalad sa negosyong may kaugnayan sa computer, cell phone at iba pang modernong kasangkapan. Maghanap ng kasosyong may birth date na 5, 14, at 23. Sa pag-ibig, isang Libra ang matagal nang may lihim na pagtingin sayo. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastam-Om.” White at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Iwasang magsungit! Ngitian ang mga kliyente at kakilala, sila ang magpapalago ng iyong kinikita. Sa pag-ibig, ngitian at patawarin ang isang nilalang na sa iyo ay nagkasala. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Magsimula sa maliit na negosyo at palakihin nang palakihin, sa ganyang paraan mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, lakas-loob mong, ipakita sayong minamahal ang pag-ibig na malaon mo nang nararamdaman sa kanya. Mapalad ang 4, 16, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Umali-Om”. Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa linggong ito may pagdadalawang isip na magaganap: “Kung dapat mo bang balikan ang isang immoral na relasyon?” Sundin ang tinitibok ng puso upang hindi ka mamali ng pasya. Sa pag-ibig, sa isang Libra makakatikim ng mas masarap na romansa. Mapalad ang 5, 17, 23, 25, 36 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugang pagmumukha ang higit na yumayaman kaysa sa mga payat, lalo na’t sa tulad mong isang Libra. Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, sexy din naman ang matataba. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty is in the eye of the beholder.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi masamang humingi ng tulong sa iba, ang masama ay lagi ka na lang bigo dahil sa iyong pride at ego. Hanapin ang kakilalang Taurus at sa kanya ka humingi ng favor upang matuldukan na ang iyong mga problema. Mapalad ang 2, 7, 15, 21, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “”Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Orange at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tama ang naisip mong paglalakbay. Sa ibang lugar may magandang kapalarang naghihinatay. Higit kang kikita ng malaking halaga sa pangingibang bansa. Sa pag-ibig, sa abroad mo makikilala ang iyong true love. Mapalad ang 3, 4, 9, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Pink at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-ibig, punan ang mga pagkukulang sa iyong minamahal, mamayang gabi, painitin ang kasuyo. Sa pinansyal wag mong intidihin ang sinasabi ng iba, ang mas mahalaga kumikita ka ng malaking halaga. Mapalad ang 4, 13, 21, 36, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Om-Makti.” Red at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— ‘Wag nang balikan ang nakaraan. Piliting makalimot sa nabigong relasyon. Isang Libra ang magpapadama ng isang tunay at wagas na ligaya. Sa pinansyal, tipid-tipid muna hangga’t wala pang hawak na malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 2, 7, 10, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Neh-Om”. Blue at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kahit marami kang pera at lumago nang lumago ang kabuhayan, alam mo bang laging may kulang? Sapagkat ang tunay na ligaya ay matatagpuan lamang sa pagtulong sa iyong kapwa. Tulungan ang isang ka-dugo na nangangailangan. Mapalad ang 2, 7, 8, 26, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending