Joyce Ching, Kristoffer Martin: Mas naging maingat na po kami ngayon! | Bandera

Joyce Ching, Kristoffer Martin: Mas naging maingat na po kami ngayon!

Ervin Santiago |April 29,2015
facebook
share this

Joyce Ching, Kristoffer Martin: Mas naging maingat na po kami ngayon!

Ervin Santiago - April 29, 2015 - 02:00 AM

christoffer joyce

MAS naging matatag ang friendship ng Kapuso ex-couple na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching matapos silang maghiwalay at magkanya-kanya muna ng landas.

Ayon sa dating mag- dyowa, mas nae-enjoy nila ngayon ang pagiging magkaibigan sa muli nilang pagsasama sa pinakabagong afternoon series ng GMA na Healing Hearts. Bukod dito, mas marami na rin daw silang paghuhugutan pagdating sa akting.

Nilinaw nina Joyce at Kristoffer ang balitang nagkabalikan na sila, pero pareho silang bukas sa posibilidad ng reconciliation at muli ngang ma-in love sa isa’t isa. Lalo na raw ngayon na palagi na uli silang nagkakasama.

Natanong naman ang dalawang Kapuso stars kung “healed” na ba totally ang kanilang mga puso after their break-up.“Hindi naman kami dumating sa point na sumagad sa pagiging broken kaya hindi kailangan ng mahabang healing process,” sey ni Kristoffer.

Ito’y kabila nga ng katotohanan na hindi masyadong naging maganda ang naging hiwalayan nila noon. May balita kasi na talagang nagkapalitan sila ng masasakit na salita noong maghiwalay sila hanggang sa nagkasaulian pa ng singsing.

Pero maayos na maayos na raw ang relasyon nila ngayon. Chika ni Kristoffer, “Yung relationship namin, hindi nabuwag as KrisJoy (Kristoffer and Joyce), e.

Kung paano kami nag-start, nag-start yung friendship, nagkaroon ng relationship, tapos nag-break, tapos ganito, friends pa rin kami.“Strong pa rin. Yun siguro yung advantage namin.

Kahit mag-ex na kami, nandiyan pa rin kami para sa isa’t isa,” paliwanag ng binata. Dito na nga dinenay ng dalawa na wala pang balikang nagaganap. Pero sey nga ni Kristoffer, mas solid at mas mature na ngayon ang kanilang samahan, bilang magkaibigan at magkatrabaho.

Ani Kristoffer, “Ngayon kasi, mas naging maingat kami sa isa’t isa. Hindi lang one-sided yung decision namin para sa isa’t isa. “Kumbaga, we see things in so many perceptions bago kami mag-conclude ng sitwasyon,” aniya pa.

May nagtanong naman kung ano ang ibig sabihin niya na mas naging maingat na sila ngayon? “Kasi kabisado na namin kung saan mas magiging vulnerable yung isa. Mas nakilala namin yung isa’t isa through yung nangyari sa amin.

“Yung bigat, yung challenge na nangyari sa amin, mas naging stronger yung relationship namin,” esplika pa ng Kapuso actor. Diretso namang sinabi ng binata na hindi na mawawala ang love niya para kay Joyce dahil sa dami na rin ng kanilang pinagsamahan, “Kung magkaroon ka man ng ibang taong mamahalin, you still love the person from your past, pero in a different level. Pero yung love, nandiyan pa rin.”

At ngayong mas lumalim pa ang pagkakakilala nila sa isa’t isa dahil sa mas matibay nilang friendship, hindi imposibleng magkabalikan sila. Pero sa ngayon mas mabuting hanggang friend na lang muna sila.

“Yung level ng (status) namin ni Joyce, mas nagse-settle siya sa level ng pagiging friendship. So far, ganu’n muna kami. “Kasi alam naman namin yung gusto namin ngayon, mas naka-focus kami sa studies and career,” sey pa ni Kristoffer.

At in fairness ha, kahit busy sila ngayon sa kanilang showbiz career, hindi pa rin nila napapabayaan ang kanilang pag-aaral. Kumukuha ngayon ng Entrepreneurship si Kristoffer sa San Beda College, habang si Joyce naman ay kumukuha ng Film sa Meridian International School.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, magsisimula nang umere ang Healing Hearts sa May 11, Lunes, sa Afternoon Prime ng GMA 7. Makakasama nina Joyce at Kristoffer dito sina Krystal Reyes, Ken Chan, Angelika dela Cruz, Dominic Rocco, Mickey Ferriols, Tina Paner, Maureen Larrazabal, Neil Ryan Sese, Ronaldo Valdez at marami pang iba.

Ito’y sa direksiyon ni Roderick Lindayag. Mapapanood ito pagkatapos ng Yagit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending