Palaban na sa paseksihan: Boobs ni Julia lumuwa | Bandera

Palaban na sa paseksihan: Boobs ni Julia lumuwa

Ervin Santiago |April 29,2015
facebook
share this

Palaban na sa paseksihan: Boobs ni Julia lumuwa

Ervin Santiago - April 29, 2015 - 02:00 AM

julia barretto

GINULAT ni Julia Barretto ang entertainment media at ang kanyang fans sa ginanap na presscon ng pelikulang “Hopeless Romantic” kung saan makakatambal niya si Iñigo Pascual, kasama rin sina James Reid at Nadine Lustre.

Napaka-revealing kasi ng damit ni Julia that night na halos lumuwa na ang kanyang boobs. First time naming nakitang nagsuot ng ganu’ng kaseksing damit ang dalaga kaya talagang na-shock kami.

Kaya naman nagpiyesta sa kaseksihan ni Julia ang mga guys na present sa presscon, lalo na ang ka-loveteam niyang si Inigo na halatang-halatang hindi mapakali sa stage habang katabi si Julia. Kitang-kita kasi niya mula sa kanyang kinauupuan ang halos mag-hello nang dibdib ng teen actress.

Feeling naman namin, medyo nahihiya rin ang dalaga sa suot niyang little black dress dahil cleavage kung cleavage nga ang labanan! Hindi rin kasi mapakali si Julia habang nakaharap sa showbiz press – lagi niyang ina-adjust ang strap ng kanyang damit sa takot na bumuluga bigla ang kanyang boobs.

Anyway, kitang-kita naman ng lahat ng nasa presscon ng “Hopeless Romantic” ang pagiging close nina Julia at Inigo, panay nga ang hagod ng binata sa likod ni Julia habang nasa stage sila.

Bukod pa iyan sa mga tinginan at bulungan nila.Pero ayon sa dalawang bagets, talagang ganu’n lang daw sila, pero mariin nilang itinanggi na magdyowa na sila at committed na sa isa’t isa.

Basta ine-enjoy lang daw muna nila kung anumang meron sila ngayon at hindi naman nila itatago kung mag-level up pa ang kanilang friendship.

Inamin din ni Julia Barretto na tuluy-tuloy pa rin ang communication nila ng kanyang tiyahing si Claudine Barretto matapos silang magkita sa kanyang debut.

“I was just speaking to her like an hour ago, we were on FaceTime ‘coz nag-FaceTime kami. Ipinakita namin, kami together (ni Inigo), we did a Dubsmash kaya tinawagan ko siya. Sabi ko, ‘Check mo yung Dubsmash namin.’

Ibinalita rin niya na maayos na muli ang kundisyon ni Claudine matapos maospital dahil sa trangkaso, “She’s out of the hospital. She’s at home now. We were FaceTiming when she was at home and she’s on her way to complete recovery.”

Hindi naman issue kay Julia kung isipin ng mga tao na support lang sila ni Inigo nina James at Nadine sa “Hopeless Romantic.” Sa trailer kasi ng movie, lumalabas na ang JaDine ang bida sa pelikula.

“No problem at all. First of all, there is no small role. Second, what’s more important is how well you portray the role that was given to you and the impact on the audience, so it doesn’t matter at all. It’s teamwork.

We’re all in one movie,” aniya pa.Naging maganda naman daw ang work experience nila kasama sina James at Nadine, sa katunayan mababait daw ang mga ito, madaling pakisamahan at magaang katrabaho.

Sey pa nga ni Julia, si Nadine pa mismo ang lumapit sa kanya noong unang taping day nila, “What I appreciated sa kanya (Nadine) is, the first time we have gotten to see them nagsu-shooting dun sa standby area, I didn’t think we would actually talk a lot.

“And then, she was the one who came to me first and then started making kuwento. Tapos nagkuwentuhan na kami.”Tapos ‘eto (sabay turo kay si Inigo) nakisali, tapos nakisali na ri (si James), e, di nakisali na lahat. Saya!” chika ni Julia.

Nakasentro ang kuwento ng pelikula sa ideya na bawat isa sa atin ay may love story na tayo lang ang makakapagsulat, habang tayong lahat ay naghahangad siyempre ng happy ending.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Hopeless Romantic” sa May 13 under Viva Films and Star Cinema sa direksiyon ni Andoy Ranay.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending