Miguel Tanfelix sumumpang hindi ita-try ang pre marital sex | Bandera

Miguel Tanfelix sumumpang hindi ita-try ang pre marital sex

Ervin Santiago |April 29,2015
facebook
share this

Miguel Tanfelix sumumpang hindi ita-try ang pre marital sex

Ervin Santiago - April 29, 2015 - 02:00 AM

miguel tanfelix

Sumusumpa sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na wala pa silang seryosong relasyon ngayon. Ito’y sa kabila nga ng mga balita na hindi sila halos naghihiwalay at super sweet sila lagi sa taping ng kanilang GMA Telebabad series na Once Upon A Kiss.

Sa pocket presscon na ibinigay ng GMA para kina Miguel at Bianca at sa pagtatapos ng Once Upon A Kiss sa Biyernes, sinabi ng dalawang bagets na super friends lang daw muna sila dahil bawal pa silang pumasok sa seryosong commitment.

At pareho pa rin daw silang bata para isipin ang lovelife – 16 lang si Miguel at 15 si Bianca. Ayon kay Miguel, mas lalo pang lumalim ang friendship nila ni Bianca nang gawin nila ang Once Upon A Kiss, halos araw-araw daw kasi silang magkasama sa taping, isama pa ang pagkikita nila sa taping ng kanilang sitcom na Ismol Family.

Alam daw nila ni Bianca ang kanilang priorities ngayon, at iyan ay ang kanilang pag-aaral at ang kanilang showbiz career. Sey pa ng binatilyo, may tamang oras daw ang pakikipagrelasyon at alam niyang hindi pa ito ang panahon na yun.

Matigas din ang paniniwala ni Miguel sa marriage before sex at talagang iyan daw ang magiging prinsipyo niya pagdating sa pakikipag-girlfriend.

Samantala, sa huling Miyerkules ng Once Upon A Kiss, narito ang kailangan n’yong abangan: Sa ospital, puno ng pagsisisi si Giselle sa nangyari sa anak nang dahil sa kanya.

Mapapaiyak ito at hihingi ng tawad kay Eric. Yayakapin siya ni Eric at tatanggapin ang paghingi ng tawad. Dadating si King at kakausapin niya si Giselle. Sa huli ay bubukas ang puso ni Giselle at magkakaroon siya ng pagtanggap sa mga kamalian. Samantala, patuloy ang pagdarasal ni Ella at ng pamilya niya sa paggaling ni Prince.

Diringgin ng langit ang kanilang dasal, magkakamalay si Prince. Agad hihingi si Giselle ng tawad sa anak. Magkakabati ang mag-ina. Kakausapin din ni Giselle si Ella at hihingi din ng tawad sa lahat ng mga nagawa niya sa kanya at sa pamilya niya.

Tatanggapin ito ni Ella, masaya na sa wakas tanggap na rin siya ni Giselle bilang kaibigan ni Prince.  Babalik si Prince sa eskwelahan at malugod siyang sasalubungin ng mga kaibigan.

Pero kasabay nito ang masamang balita na bumagsak si Prince sa ilang subjects niya. At dahil dito, hindi siya makakapunta sa prom. Kahil malungkot si Prince, wala siyang magawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samanatala, lumabas ang anunsyo ng honor roll. Si Amber ang valedictorian at salutatorian si Ella. Pero dahil lang ito sa ruling na di pwedeng maging valedictorian ang transferee.

Sasabihin ni Ella kay Prince ang magandang balita. Pipilitin ni Prince na maging masaya para kay Ella. Pero di niya maiwasang magsisi sa pagpapabaya sa grades. Ngayon mapapalampas niya ang prom kasama si Ella, isang bagay na minsan lang mangyayari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending